Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enchong Dee
Enchong Dee

Enchong, sinisi ang sarili sa ‘di magandang takbo ng career

00 fact sheet reggeeINAMIN ni Enchong Dee kay Boy Abunda sa programa nito noong Martes ng gabi na anuman ang kinahinatnan ng karera niya ngayon ay wala siyang sinisisi kundi ang sarili niya.

Ilang taon na rin kasing walang teleserye si Enchong kaya sa tanong ng TWBAhost kung ano ang lagay ng career niya sa scale na 1-10 ay kaagad na sagot ng aktor ay 5.

Sabi ni Enchong, ”It’s so hard to be regretful and the same time ma-reklamo,’ di ba? If there’s anyone I can point fingers at it is myself, whatever failure or success that I have now is because of myself.”

Balik-pelikula ngayon si Enchong kasama si Kiray  sa I Love You To  Death  na produced ng Regal Entertaiment na idinirehe ni Miko Libelo na protégé nina direk Jun Lana at Perci M. Intalan.

Pinasalamatan ni Enchong si Mother Lily Monteverde dahil, ”It’s experimental working with Kiray.  Sabi ko nga Regal invested on both of us and let’s be honest. I don’t think Star (Cinema) would just give us something like this kind of project.

“I’m happy for this project (I Love You To Death) and excited to everyone to see this project kasi it’s something new, something different, it’s a breather as an actor.”

Ipalalabas ang I Love You To Death sa Hulyo 6.

Samantala, ipagdiriwang ni Enchong ang kanyang ika-10 taon sa showbiz at naglabas na siya ng ikalawa niyang album na may titulong EDM or Enchong Dee Moves na mabibili na sa record bars sa Hunyo 3 ngayong taon na ipinamamahagi ng Star Music.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …