Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teleserye ng ABS-CBN, pabonggahan ang shooting place

00 fact sheet reggeeANG taray ng cast ng seryeng The Promise of Forever na pagbibidahan nina Ritz Azul, Ejay Falcon, Yana Asistio, Nico Antonio, at Paulo Avelino, dahil kasalukuyan silang nasa Belgium ngayon para sa shooting.

Love story na nabuo sa barko ang gist ng The Promise of Forever dahil dito nagkakilala sina Ritz at Paulo samantalang si Ejay ay kababata ng una na naging kasamahan na rin niya sa biyahe.

Sa Europe ang shooting ng The Promise of Forever at base sa IG post ng Dreamscapeph ay umalis ang grupo noong Mayo 17 at sa Prague, Czech Republic sila unang bumaba na nag-courtesy call sila kay Ambassador Jaroslav Olsa Jr., na tuwang-tuwa rin dahil ito pa lang daw ang seryeng unang nag-shoot sa bansa nila at sana maging maganda ang kalabasan ng partnership nila ng ABS-CBN para, “bring more Filipinos to visit our beautiful Czech Republic,” anang Ambassador.

Samantala, first time ni Ritz na makapunta ng Europe kaya naman panay ang kuha niya ng litrato sa mga magagandang tanawin doon at siyempre panay din ang selfie niya.

Si Yana ang bestfriend ni Ritz sa serye kaya sila ang nakita naming laging magkasama sa picture na na-post ng Dreamscapeph.

Aliw ang ABS-CBN dahil pabonggahan ng shooting ng mga teleserye sa ibang bansa tulad ng Italy, New York, at Europe.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …