Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Syuting ng mga baguhang artista, inulit-ulit dahil mga banong umarte

KUWENTUHAN ng buong staff sa pelikulang kasalukuyang sinu-shoot ngayon ang tungkol sa mga bida ng network na minsan ay nakaka-jackpot sa ratings na halos sumuko na raw ang direktor dahil hindi magawa ang tamang pag-arte sa ipinagagawa sa kanila.

Kaya pala matagal na naming naririnig na tila mabagal ang takbo ng shooting dahil ilang beses daw pinauulit-ulit at inaabutan na ng cut-off time.

“Baka one year in the making ang pelikula at ‘pag ipinalabas na ito, iba na hitsura ng mga bida, ha, ha, ha” birong sabi sa amin ng isa sa staff ng pelikula.

Bago pa namin tinanong kung bakit mabagal at pinauulit-ulit ang mga eksena ay sinabihan na kami kaagad ng, “wala kasi silang mga alam pa, puro baguhan, ilang beses ng nag-workshop, waley pa rin, lalo na ‘yung mga babae.”

Eh, bakit ginagawan ng pelikula, hindi naman pala marunong pang magsi-arte, eh, sayang lang ang rolyo, oras at effort, balik-tanong namin.

“Utos po ng management,” one-line sa amin.

Siyempre hindi na kami nakakibo.

Dagdag pa, “alam naman ng management na delikado sa takilya, pero kailangang sumugal para makilala ang mga artista.”

 ( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …