Friday , November 15 2024

Pasya kay FM iginagalang ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang pasya ni incoming President Rodrigo Duterte na payagan nang mailagak sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“We respect his views and beliefs,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ngunit hindi pa rin aniya nagbabago  ang paninindigan ni Pangulong Benigno Aquino na hindi dapat mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Inihayag kamakalawa ni Duterte na payag siyang mailatag na ang mga paghahanda para mailibing si Marcos sa Setyembre 11 o sa mismong kaarawan ng dating pangulo.

Naniniwala si Duterte, bilang naging sundalo ng bansa ay may karapatan si Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani at ito na rin ang tutuldok sa isyu nang hinananakit ng mga Ilokano at pamilya Marcos sa gobyerno.

Minaliit ni Duterte ang magiging pagtutol ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong martial law sa desisyon niyang ilibing na si Marcos.

“Wala iyan. Nandiyan na iyong kwan — kubrahin n’yo iyong pera,” aniya hinggil sa kompensasyon na matatanggap ng human rights victims mula sa nabawing ill-gotten wealth ng mga Marcos.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *