Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal ni Sarah kay Matteo naudlot, kaya balik hurado?

00 fact sheet reggeeBALIK-HURADO si Sarah Geronimo sa bagong reality show ng ABS-CBN na ang sinabing concept sa amin ay making of a boyband.

Nagulat kami dahil ang akala namin ay ayaw na ni Sarah magkaroon pa ng isa pang show bukod sa ASAP20 dahil gusto raw niyang bumalik sa pag-aaral?

Kaya nga niya tinanggihan ang The Voice Kids 3 bilang isa sa voice coach at pinalitan siya ni Ms. Sharon Cuneta na.

Narinig mo ‘yan Ateng Maricris nang minsang makatsikahan natin ang taga-ABS-CBN sa isang presscon ay may bagong reality show pala si Sarah G na may kinalaman sa pagtuklas ng boyband.

At sa tanong namin kung ano ang role ni Sarah sa bagong reality show ng Dos, “parang one of the judges siya, I think.”

Kaya ang running joke ng mga kasamahan sa trabaho, “baka naman hindi natuloy ang plano nila ni Matteo (Guidicelli) dahil biglang dumagsa ang offer sa kanya (Matteo)?”

Ano ang plano, “mag-asawa, ano pa ba, onders na lola mo, beinte otso na,” mabilis na sabi sa amin.

Parang hindi naman din ganoon ang plano pa dahil hindi pa handa si Sarah na iwan ang pamilya samantalang si Matteo naman ay sinasamantala ang maraming offers sa kanya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …