Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, pinapa-audition para ipareha kay Spiderman

PINAPAG-AUDITION si Liza Soberano ng isang Maria Quinzel.

Nakakaloka ang role, ha, leading lady lang naman ni Spiderman sa isang movie.

“If someone can get liza to see this HAND HER OUT THE CASTING CALL FOR SPIDERMAN HOMECOMING THAT WANTS ASIAN STUDENTS,” tweet ni Maria.

Na sinundan pa ng isang tweet which said, “Liza soberano as mary jane Watson okay. FIGHT ME ON THIS.”

Nauna rito ay nag-message rin si Maria address to Marvel, “@marvel he ya need some beauty&talent for the role of mary jane? This young Filipina actress can probably be great.”

Hindi namin kilala kung sino si Maria Quinzel pero talagang pinu-push niya si Liza to be part of the Spiderman movie.

Sana ay totoo ang kanyang chika, sana ay hindi ito fake account kasi maraming fans ni Liza ang na-excite bigla for their idol. Sino nga naman ang hindi mae-excite kung true ang chika ni Maria, ‘di ba?

Anyway, napansin namin na hindi lang pang-Pilipinas ang beauty ni Liza. Ilang beses na siyang napabilang sa Most Beautiful list kasama ang pinakamagaganda sa mundo na kinabibilangan ng K- Pop stars, beauty queens and Hollywood superstars. Belong na belong si Liza sa pinakamagaganda sa buong mundo, ha.

Actually, nakarating na raw kay Liza ang mga ipinost ni Maria. Say ng fans sa LizQuen Amores Facebook fan page, aware na ang aktres about Maria’s posts pero hindi pa lang ito nagbibigay ng statement.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …