Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Happinas Happy Hour, nagbawas ng budget kaya nagbawas din ng tao

00 fact sheet reggeePINATATAPOS na lang siguro ang mga artistang may guaranteed contract sa TV5 kaya na-extend ang Happinas Happy Hour na magiging isang oras na lang at bukod tanging sina Derek Ramsay, Janno Gibbs, Kim Idol, at Ogie Alcasid na lang ang main hosts dahil out na sina Gelli de Belen at Tuesday Vargas.

Nagbawas daw ng 41% sa budget ng Happinas Happy Hour ang TV5 management kaya kailangang magbawas din ng tao ang show na dapat sana ay totally tsugi na ang show, pero nakiusap daw ang namamahala ng programa bukod pa sa wala ring maibigay na bagong project sa mga nabanggit na main hosts dahil may kontrata pa sila sa TV5.

Pabor naman kay Gelli na nawala na siya sa Happinas Happy Hour dahil balik-ABS-CBN na siya at si Tuesday naman daw ay nag beg off.

Siguro naguguluhan na rin si Tuesday sa show kung saan ito patungo dahil laging may problema.

Maging ang mga staff ng TV5 ay nagtatanungan na rin kung ano pa ang mapapanood kapag tinanggal na ang entertainment shows nila lalo’t karamihan sa mga iprinisintang bagong programa ay hindi na pinatutuloy ng management tulad ng Mask Singer na pagkatapos i-present sa mga executive ay biglang sinabing shelved na.

Ano na nga ba ang nangyayari sa TV5, “eh, kasi ang gulo-gulo ng programming, saan ka nakakita ng teleserye na tatlong beses mo lang mapapanood sa isang linggo at naiiba pa ang oras?” ito ang katwiran sa amin ng mga nakakapanood sa Singko.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …