Friday , December 27 2024

‘Criminal Water’ For Sale

KUNG  gustong uminom ng tubig na marumi na nakasilid ang tubig sa plastic bottle na mistulang bote ng nabibiling mineral water, kapag dumaan ang sasakyan pribado man o public utility, sa kahabaan ng EDSA, kanto ng Macapagal Ave., doon ito mabibili sa mismong harapan ng METRO BANK patungong Mall of Asia, lungsod ng Pasay.

***

Shocking ang tagpo nang makita ko at ng dalawang kaibigan, dakong 12:00 ng hatinggabi ang isang vendor na gamit ang isang maruming tabo na kulay asul, na nangigingitim na sa libag ang tabo, habang maingat na isinasalin ang sinalok na tubig mula sa maruming timba na may lamang tubig sa plastic bottle.

Nasaksihan natin kung paano isinasara para maging ‘sealed’ ang plastic bottle, hawak ang isang mistulang mighty bond tube para dumikit sa nguso ng plastic bottle, at maging tunay na mineral water ang hitsura nito.

***

Maging maingat po sana ang lahat, huwag basta bibili ng tubig sakaling nauuhaw sa daan, dahil di tayo nakatitiyak kung ang tubig na inyong binili ay makapapawi nga ng uhaw, ngunit nakamamamatay dahil sa mikrobyong dulot nito!

***

Hindi lamang sa nabanggit na lugar may nagbebenta ng ‘criminal water’ maging sa mga terminal ng bus, o anumang pampublikong sasakyan maraming nagbebenta nito. Kaya pala sa mga junk shops ay nabibili ang mga plastic bottles, dahil ito ang ginagamit para lagyan ng tubig at mistulang mineral water ang hitsura!

***

Agad namin tinawagan ang tanggapan ng DSWD sa lungsod ng Pasay, at isinumbong kay Mrs. Rosalinda Orobia ang nasaksihan, ‘di lang natin alam kung kelan ito maaksiyonan! Basta ang mahalaga, bilang concern citizen, ipinaalam natin ang natuklasan!

2 showbiz elected councilors walang laman ang utak

Dalawang male actor turn politician ang masuwerteng nanalo bilang konsehal, sa isang siyudad sa Kalakhang Maynila, na masuwerteng nahalal noong nakalipas na May 9 local elections.

***

Noong nakalipas na linggo, isinagawa ang proklamasyon ng nasabing dalawang  male actor, kasama ang ilang konsehal na nagwagi, kongressman, bise-alkalde at alkalde at Comelec officer ng kanilang siyudad. Bago ang isinagawa ang proklamasyon, isang interview ang isinagawa ng mga nag-cover na mediamen. Nang kapanayamin ang two male actor turn politicians, gustong humagalpak ng tawa ng mga mediamen dahil sa mga palpak na kasagutan, malayo ang sagot sa katanungan! Pagkatapos ng interview, umiiling na lamang ang mediamen, dahil utak ‘taho’ ang dalawang showbiz personality, turned  politician! Wala  tayong magagawa, artista kasi! Naloko ang mga botante!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *