Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nagbaril sa harap ng dyowa

PATAY ang isang lalaki makaraan magbaril sa dibdib sa harap ng kanyang live-in partner habang nagtatalo sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Hyper Jerome Isidro, 21, ng 57 Don Mariano Marcos Avenue, San Jose, Rodriguez Rizal, tinamaan ng bala ng kalibre .45 baril sa dibdib.

Sa isinumiteng report ni PO3 Rhyan Rodriguez kay acting Caloocan City Police chief, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 3:15 a.m. nagtalo ang biktima at ang live-in partner niyang si Jenny Mae Briones sa kanilang kuwarto sa 182 T. Samson Road, Brgy. 168, Deparo.

Habang nagtatalo, kinuha ng biktima ang kanyang baril at ipinaputok sa kanyang dibdib.

Mabilis siyang isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sinasabing nagtangka rin magpakamatay ang biktima noong Enero 2016 ngunit napigilan.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …