Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Esmi ni PNP District Director ipotera?

THE WHO ang isang Heneral ng Philippine National Police (PNP) na nagka-phobia na raw sa kanyang esmi dahil sa masaklap na karanasan.

Ayon sa ating Hunyango, kasalukuyan ngayong District Director si Sir at pak na pak daw talaga kapag nakita ang kanyang Kumander kung kaya’t marami ang naghahangad sa kanyang alindog.

Kasi naman wala ka na raw itatapon kay Misis mula ulo hanggang paa at ubod nang seksi. Kumbaga mala-diyosa ang arrive niya samantala si opisyal pogi rin naman noong ipinanganak siya.

Ewan ko na nga lang ngayon ha!

Har har har har har!

Pero kahit ganoon man, very confident si Sir na ‘di siya ipagpapalit ni Misis dahil sa opisyal nga siya ng PNP at ‘yon ang pinangha-hawakan niya.

Ang kaso masasalisihan din pala siya!

Ouch! It hurts!

Heto po kasi ang istorya, noong ‘di pa raw nagiging District Director si Sir o hindi pa nagiging Heneral aba’y inaswang ang kanyang love of my life ng isang matinik na pulpolitiko!

At bumigay din naman si Madam kung kaya’t hayun nangyari ang bawal na pag-big na itinago-tago nilang dalawa.

Pambihira ‘yan parang Bagong Taon lang!.

May “Torotot!”

Kinalaunan nabuking din ni District Director ang paglalaro ng apoy ng kanyang Misis ngunit dahil mahal na mahal niya si waswit pinatawad na lang niya at nag-move-on na lang sila.

So sweet o!

Dahil nga sa ganoong karanasan ni Sir, bantay sarado na ngayon ang kanyang Kumander 24/7 and seven times a week ang guwardiya sibil para makasigurong ‘di na siya masisingitan pa.

Bwahahahahahahahaha!

Sigurista ka na Sir ha?!

 Natuto ka na ba?.

Jajajajajajajaja.

Kuwento ng Hunyango natin, naghahangad daw si Sir na maging Regional Director sa Southern at naghahanap ngayon  ng politikong malalapitan si Misis!

Inang ko po!

Payo ko lang sa iyo Sir ‘wag mo nang isama si Misis kapag may pupuntahan kang mga gathering kasi ang lagkit niyang tumingin sa mga papable!

Goodluck General!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …