Thursday , December 26 2024

Duterte, natuwa sa panggagaya ni Jose

MAY bagong pagkakaraketan na naman si Jose Manalo dahil havey ang panggagaya niya sa magiging bagong Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte sa isang segment ng Sunday Pinasaya.

Napanood ni Digong ang pag-impersonate ni Jose at natutuwa naman siya. Kuhang-kuha raw ang kilos niya. Ipinaliwanag din niya kung bakit laging nakalagay sa mukha niya ang mga kamay niya dahil dati pala ay nadesgrasya siya sa motor at para mabawasan ang sakit ay dinidiinan niya’yung sa ilalim ng tenga niya. Ang bilin lang niya kay Jose huwag masyadong idikit ang kamay nito sa mukha niya.

Tugon naman ni Jose, “Ayaw ko pong masira ‘yung karakter ninyo. Tinatakpan ko po dahil mas makinis po ang mukha ninyo kaysa akin ‘di hamak.”

Isa pang, nakakakaloka sa segment na ‘yun ay parang ‘bitter’ si Ai Ai Delas Alas at pinagdidiskitahan ang impersonator ni Kris Aquino na si Barbie Forteza. Talagang tinatarayan niya at noong isang Linggo ay sinabihan pa niya ito ng, “Alam mo hanggang dito, masama ang ugali mo ha.”

Nasa script ba ‘yun o totohanan ang pagtataray ni Ai Ai?

Baka naman joke lang!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *