Friday , November 15 2024

Sen. Chiz Escudero, poorest senator?

BIGLA naman tayong naawa kay Senator Chiz Escudero.

Nitong nakaraang linggo kasi, naglabas na naman ng listahan ng mga yaman ng mga Senator.

Lumabas na ang pinakamayaman and the only billionaire si Sen. Cynthia Villar sa P3.5 bilyon at ang pinakamahirap daw si Chiz na mayroong P5.8 milyon.

Kung ang isang mahirap na Senador ay nakapagregalo ng Diamond ring sa engagement nila ng kanyang misis, ano pa ang itatawag natin doon sa mga araw-araw ay isang kahig, isang tuka?!

Timawa?

Pinakamahirap na Senador pero mayroong hi-end na townhouse sa Woodside Homes sa New Manila, Quezon City. Ganyan ba ang pinakamahirap na Senador?

Pangatawan ba na mahirap siya habambuhay?!

Alam ba ninyong mayroong pamahiin na kahit ‘poor’ talaga ‘e huwag laging sasabihin dahil nagkakatotoo raw ‘yan.

Ikaw rin, Senator Chiz, kasasabi mo na ikaw ay ‘the poorest’ ‘e biglang magkatotoo ‘yan.

Kung hindi rin lang naman singlaki o singdami ng yaman ni Manny Pacquaio ang tila inililihim mong properties, investment or bank accounts, ‘e huwag mo nang itago, ilihim o itanggi.

Huwag kang mahiyang ideklara ‘yan lalo na kung hindi naman nakaw.

Ikaw rin, baka biglang maglaho ‘yan?!

 Pero kahit anong deklarasyon na ikaw ay ‘poor’ wala talagang naniniwala Mr. Senator Chiz.

By the way, nakahanda na ba ang iyong Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) Senator Chiz?!

I-share mo naman!

Pulis na ginagawang bodyguards dapat nang ipatigil ni Mayor Digong  

Marami ang humihiling kay President-elect Mayor Digong Duterte na dapat din niyang ipagbawal ang ‘paggamit’ ng ilang indibidwal sa mga pulis bilang bodyguards.

Malinaw naman kasi na sila ay sumasahod sa pamamagitan ng taxpayers kaya dapat ay naglilingkod sila nang higit para sa maliiit na mamamayan hindi sa mga VIP kuno.

Kapansin-pansin na kahit saan magpunta ay madalas makikita ang mga pulis na pakalat-kalat, hindi upang mag-duty para sa sambayanan kundi bodyguard pala ng ilang VIPs.

Hindi lang sa VIPs. Nakikita rin silang bodyguard ng mga politiko.

Mga Korean at Chinese casino players lalo na ‘yung junket players.

Mayroon din mga taga-media na daig pa ang heneral kung mag-bodyguard.

Mayor Digong, papayag ka ba na mangyari pa ang ganyang sistema sa iyong admi-nistrasyon?!

Huwag naman sana.

Huwag nap o ninyong konsintihin ang paggamit sa mga pulis na dapat sana ay sa sambayanan naglilingkod, hindi sa iilang tao na feeling VIP lang.

Asus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *