Monday , December 23 2024

CHR kakampi ba ng drug pushers?

IIMBESTIGAHAN daw ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginawa pagparada ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili sa mga nahuling drug pusher, rapist at magnanakaw sa buong bayan.

Hindi talaga natin maintinidhan kung ano ba talaga ang papel ng CHR?

Tagpagtanggol ng mga ng mga naabuso o kakampi ng mga kriminal?!

Hindi kaya alam ng CHR na maraming napeprehuwisyo ang ilegal na droga?!

At walang pinipili. Mayaman, mahirap. Babae o lalaki. Bata o matanda. Mangmang o edukado. Tambay o may trabaho. Propesyonal man o walang tinapos. Dugyot o sosyal. Ordinaryong mamamayan hanggang sa mga sikat o kinikilala. Relihiyoso man o hindi.

Lahat sila, puwedeng biktimahin ng ilegal na droga.

Sa ganang atin, hindi namin masisisi si Mayor Halili kung bakit ganyan ang ginawa niya sa mga nahuli nilang drug pusher, rapist at magnanakaw.

Grabe na ang prehuwisyong ginagawa sa kanilang bayan.

Pabor tayo sa magiging kampanya ni President-elect Digong Duterte laban sa mga criminal na sobra nang namemerhuwisyo sa bayan.

Sana naman ay mag-isip-isip ang CHR.

Kung gusto nilang huwag masira ang kredebilidad at integridad, manguna sila sa kampanya laban sa malalang pang-aabuso sa kinabukasan ng mga kabataan na nabibiktima ng ilegal na droga.

Usigin nila ang mga opisyal ng pamahalaan na nagpapabaya sa kanilang tungkulin kaya malayang kumakalat ang ilegal na droga.

 Kapag ganyan ang ginawa ninyo, baka matuwa pa ang mga mamamayan sa inyo.

Huwag selective justice.

Pwede ba ‘yun, CHR OIC Marc Titus Cebreros?

Comelec ‘Kotong’ Checkpoint sa Maynila

Boundary!

‘Yan ang reaksiyon ng ilang motorista at mga kabulabog natin sa MPD HQ sa ilang Comelec checkpoint na nakalatag sa Kamaynilaan.

Nitong mga nakaraang araw, marami tayong text at reklamo na natanggap sa ilang boy-sita-pitsa ng MPD sa kanilang Comelec checkpoint.

Number one na inirereklamo sa atin ang ABAD SANTOS PCP malapit sa Recto, Divisoria na pinamumunuan ng isang punyente ‘este’ Tinyente Linggit.

One-two punch umano ang tirada-paninita ng nasabing PCP.

Paboritong lugar nila, ‘yung malapit sa mga Chinese school at sa kanto ng Bambang St., at Abad Santos Ave., tuwing gabi hanggang madaling araw.

Boundary nga raw ang isang alias TATA DC sa kanilang pangongotong.

Simple lang ang modus, maninita ng mga naka-motorsiklo at tricycle dahil sila ang ma-daling hanapan ng butas.

Gugulatin ang biktima at saka papasok si alias TATA DC a.k.a. Boy hilot para diskartehan ang makokotong nila.

Sonabagan!!!

Ang bokadilya pa ng tarantadong TATA DC, depende sa violation ang areglohan sa kanila. Mismong kamag-anak ng isang barangay chairman na sakay ng tricycle na nasita sa kotong checkpoint, ang nakaranas kung paano nila kikilan ang pobreng driver.

Nakitaan kasi ng isang kutsilyo na gamit sa pagputol ng lubid sa kanilang lona.

Nanindigan ang barangay chairman na hindi holdap ang lakad ng tricycle driver sa dalang kutsilyo pero tablado pa rin at pinitsa pa rin ng pulis kotong?!

May nakitang tatlong libo sa bulsa ng trike driver, mantakin ninyong sabihin na: “Ito lang ba ang naholdap mo?” sabay bulsa ng isang tarantadong pulis sa pera.

P******A!!!

P100k ang unang hirit para hindi na sampahan ng katakot-takot na kaso kuno at nagtawaran hanggang madaling araw na umabot sa P20 mil na lang.

Walang nagawa ang biktima kundi maghatag na lang kaysa makasuhan pa siya ng mga demonyong pulis.

Pasalamat na nga lang daw siya at nandoon si Chairman kung hindi baka nataniman pa ng droga?!

Isa pa itong SIBAMA PCP na kinatatakutan rin ang latag na Comelec ‘kotong’ checkpoint.

Kinatatakutan hindi sa higpit ng checkpoint kundi sa talim ng mata at pagkarga ng violation sa motorcycle riders!

P100 piso kada trycicle na dumaan sa kanila?!

MPD district director Gen. Rolly Nana, narinig mo ba ang sinabi ni Pres. Rody Duterte sa mga mangongotong na pulis!?

Hihintayin pa ba na si Digong ang umaksiyon laban sa mga tiwaling pulis ninyo?!

Reaction sa boycott  ni BAYAN SecGen.

Dear Sir,

Talagang gustong magpasikat ng bonggang-bongga nitong si Bayan Secretary General Renato Reyes, ayon sa kanya boboykotin nila ang inagurasyon ni Pangulong Duterte at magra-rally sila mismo sa araw na iyon.

Mas pinangunahan pa niya ang mismong pinakapinuno nila na si Joma Sison.

Si Joma ay nagbigay na ng abiso na nais niyang makipagkasundo sa gobyerno.

Itong si Reyes nais pa yatang isabotahe ang pagbibigay sa kanila ng pagpapahalaga ng administrasyong Duterte.

Ba gusto yata nitong Reyes na huwag tuldukan ang kanilang pakikibaka.  Baka gusto niya na siya ang maging pangulo?

PAMELA A. LANDICHO

Sta Cruz, Davao del Sur.

 [email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *