Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sekyu kalaboso sa blackmail sa dalagita (Halikan ng mag-BF kinuhaan ng video)

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 34-anyos security guard makaraan i-blackmail ang dalagitang nakuhaan niya ng video habang nakikipaghalikan sa kasintahan sa Caloocan City.

Kinilala ni SPO1 Gigie De Jesus, hepe ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), ang suspek na si Enrique Coranez, security guard ng Eternal Gardens Memorial Park at residente ng Licao-Licao, San Isidro, San Jose Del Monte, Bulacan.

Lumabas sa imbestigasyon, nagtungo ang 16-anyos dalagitang si “Katya” sa Eternal Gardens Memorial Park sa East Service Road, Bagong Barrio noong nakaraang linggo, kasama ang binatilyong kasintahan.

Habang nasa loob ng memorial park, hindi napigilan ng magkasintahan ang maghalikan ngunit nakuhaan ng video ni Coranez.

Nang matuklasan ng magkasintahan na kinukuhaan sila ng video, pinakiusapan nila ang guwardiya na huwag nang ipaalam sa kanilang mga magulang ang insidente.

Pumayag si Coranez kapalit ng paghingi sa numero ng mobile phone ni Katya na kanya munang tinawagan upang matiyak na tama ang numerong ibinigay ng  dalagita.

Nang makauwi na sa bahay, nagsimula na siyang i-text ni Coranez at hinihimok na makipagtalik sa kanya kapalit ng pangakong hindi ibubulgar ang video nang paghahalikan nila sa kasintahan.

Sa puntong ito, nagpasyang magsumbong sa kanyang tiyuhin ang dalagita na siyang nagpayo sa pamangkin na kunwari’y pumayag sa kagustuhan ng suspek.

Dakong 7 p.m. kamakalawa nang makipagtipan ang dalagita sa guwardiya sa isang lugar sa Bagong Barrio na nagresulta sa pakakadakip sa suspek.

Kasong paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse Law ang isinampa ng pulisya laban sa security guard sa piskalya ng Caloocan City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …