Nakasusuka ang kawalan ng prinsipyo ng mga pul-politiko
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.
May 20, 2016
Opinion
NGAYONG nanalo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bagamat hindi pa siya opisyal na naipoproklama ay dumadagsa na sa kanyang pansamantalang headquarters sa Davao ang laksa-laksang pulpol na politiko o pul-politiko para maka-amot ng poder.
Nagbabakasakali ang mga linta at mga walang kahihiyan na makasambot ng posisyon sa administrasyong Duterte. Labis akong nadudu-wal kapag nakikita sa telebisyon ang pagmumukha ng mga pul-politiko na animo ay maaamong tupa.
Kaiingat kayo President-elect Duterte sapag-kat iyang mga ‘yan ang tunay na halimaw na sumi-sipsip sa laman ng kaban ng bayan. Baka mabiktima kayo/tayo ng mga iyan. Sila’y magaling humimod at magsipsip…mga sanay na sanay sa ganyang gawain dala ng mahabang karanasan nila bilang pul-politiko.
Parang kailan lang at mga kritiko ninyo ang mga iyan. Kung ano-ano ang mga matatalim na sinasabi nila laban sa inyo tapos, ngayon kung kalian tiyak na ang inyong panalo, ay bigla silang kumambiyo at ipinangangalandakan sa bayan na kakampi nila kayo. Kapal talaga ng mga iyan.
Siguro ginoong pangulo, mas mainam kung sila ang una ninyong patikimin ng pagiging “pu-nisher” ninyo. Sagad sa buto ang kawalanghiyaan ng mga iyan. Mga naturingang disente pero walang disente sa kanilang pinaggagagawa.
* * *
Mukhang OK naman ang mga napipili ni President-elect Duterte na maging kasama niya sa gabinete maliban sa ilan na parang kaya napasok lamang ay dahil nagbabayad utang ang PDP-Laban.
Kahit may ganito tayong pakiramdam sana ay mali ang kinatatakutan natin. Ang mga political appointee ay maging asset sana ng administras-yong Duterte.
* * *
Maraming panukala na makabuluhan si Pre-sident-elect Duterte maliban siguro sa sinabi niya na nais niyang ibalik ang parusang kamatayan. Sana ay mapag-aralan muna ang naisin niyang ito bago siya kumilos.
* * *
Mag ingat sa mga ibinebentang school supplies na mayroong nakakakanser na lead. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormas-yon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.
Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.