Monday , December 23 2024

Mataas na tuition fee at K-12 ng DepEd dapat aksiyonan din ni Digong

KUNG mayroon pang dapat unang aksiyonan si President-elect, Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, ‘yung kagyat na kagyat, walang iba kundi ang nagtataasang tuition fee at ang hanggang ngayon ay kontrobersiyal na K-12 program ng Department of Education (DepEd).

Una, ang mataas at taon-taon na tumataas na tuition fee sa private schools.

Sa taas ng tuition fee, marami ang naglilipatan sa public schools. Wala sanang problema sa paglipat sa public schools kung handa at maayos ang facilities, kaya lang, alam naman natin na tuwing pasukan ay malaking problema ng DepEd ang kakulangan ng classrooms, teachers at basic facilities para sa isang paaralan.

At alam ba ninyo kung paano ito sinolusyonan ng DepEd sa ilalim ni Secretary Armin Lusitro?!

Nag-alok ng P10,000 educational assistance sa mga estudyanteng hindi na raw kayang paaralin ng mga magulang sa private schools.

Halimbawa, kung nag-aaral sa isang private school at sinabi ng magulang na ililipat na niya ang anak dahil hindi na nila kaya ang tuition fee, agad silang ipapasok ng administration ng private school sa  program ng DepEd.

Halos ‘yang P10,000 po na ‘yan ay pinakamaliit na educational assistance, puwede pang tumaas.

Ibang klase ‘di ba?

Imbes iutos ng DepEd na huwag kayong magtaas ng tuition fee dahil maraming mga batang estudyante ang maaapektohan nagbigay pa ng offer na educational assistance mula rin sa pondo sa departamento.

Sa unang tingin, nakatutuwa, pero kapag sinuri, mukhang mayroong iregularidad.

Milyon-milyon ang pinag-uusapan nating budget dito. Kung kayang magpakawala nang ganyan kalaking budget ng DepEd bakit hindi ituon sa pagpapaunlad ng public schools?

Sa kolehiyo naman, ganoon din. Hindi rin makontrol ng CHED ang pagtataas ng tuition fee ng private colleges and universities.

Tapos magtataka ang gobyerno kung bakit maraming out-of-school youth o ‘yung tambay sa maghapon imbes nag-aaral?!

Hindi nga makapag-aral dahil mataas ang tuition fee! Mahirap bang intindihin ‘yun?!

Kaya kailangan, ibaba ni Mayor Digong ang tuition fee sa private schools, colleges and universities!

Ikalawa ang nakalilito at kontrobersiyal na K to 12 program ng DepEd.

Hirap na ngang magpaaral ang mga magulang sa apat na taon pa lang sa high school, dinagdagan pa ng dalawang taon na ang lumalabas, senior high school (SHS) kuno.

Pero, lumalabas ngayon na ang private schools lang ang SHS-ready.

Kaya after high school, lilipat na rin sa isang private school para sa senior high school.

In short, para na rin nag-college ‘yung bata.

Hindi ba’t marami ang mga magulang at mag-aaral na nalilito ngayon sa public schools?!

Akala nila, roon din sila magse-senior high school sa pinanggalingan nila (public school).

Pero hindi pala. Kailangan mag-apply sila sa mga eskuwelahan na nag-o-offer ng SHS at doon sila mag-aaral.

Ang siste, karamihan private schools.

Kaya malamang marami ang hindi rin makapag-enrol sa senior high school kaya matetengga na lang sila.

Anong trabaho ang puwedeng pasukan ng isang high school graduate sa panahon ngayon?

Wattafak!

‘Yan ba ang layunin ng DepEd sa pagpapatupad ng K to 12? Mas lalong dumami ang out of school youth?

Para raw makapag-enrol sa SHS, bibigyan ng VOUCHER ang mga galing sa public school.

Malaking budget na naman ‘yan. Milyon-milyon. ‘E bakit hindi pa ginamit ang milyon-milyon na ‘yan sa pagtatayo ng SHS facilities kung meron naman palang budget?!

Sonabagan!

President Mayor Digong, pakibusisi na nga po ‘yang DepEd SHS program na ‘yan dahil mukhang may kanya-kanyang kitaan diyan!

Lima singko ang balimbing sa Davao City

KAHIT saan ka raw magpunta ngayon sa Davao City ay nagkalat ang mga ‘balimbing.’

Napuno siguro ang lahat ng hotel sa Davao City at punong-puno ang flights ng airlines dahil sa pagsugod ng mga ‘balimbing’ sa Davao City.

Isa sa mga bumalandra sa screen ng aming telebisyon ang talunan at diskuwalipikadong gobernador ng Laguna na si ER EJERCITO.

Talaga naman!

Dinaig pa ang Hunyango sa pagpapalit ng kulay.

Hindi ba’t ipinagmamalaki pa noon ni Ejercito na siya ay Binay na Binay lalo na sa kanyang kampanya.

‘Yun bang kahit tawasin ay hindi magpapalit ng kulay?

Pero, ano ito?

Mabilis pa sa sumasagitgit na kidlat, nandoon at lumitaw kaagad sa Davao City at nanliligaw kay President-elect, Mayor Digong Duterte na ibi-gay daw sa kanya ang Department of Tourism?!

Wattafak!?

Kalbo ka ba ER at ikaw ay nagpapatawa?!

Nalimutan mo na ba ang katakot-takot na pag-mamaliit ng Uncle mo kay Mayor Digong?!

Minaliit ng Uncle mo si Mayor Digong dahil hindi raw kakayanin ng isang gaya niya ang maging Presidente ng bansa.

Hanggang Davao lang daw si Digong.

Wattafak agen?!

Uminit nga ang ulo ng Digong diehards ‘di ba?

Ibang klase ka talaga ER!

Hindi namin kaya ‘yang ginagawa mo, at lalong hindi kaya ng dibdib ko. Ang kapal naman talaga!

Ta-artits ka talaga! Ang husay umarte!

Ngayon ako naniniwala na, lima-singko ang mga balimbing ngayon sa Davao City.

Paalala  lang President Mayor Digong, huwag kang kakain ng balimbing, tiyak na mukha mo’y aasim!

BI-TCEU Princess Rose Borbon inireklamo!

MUKHANG may kalalagyan ang isang Immigration TCEU (travel control enforcement unit) Princess Rose Borbolen ‘este’ Borbon matapos siyang sampahan ng reklamong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, conduct Unbecoming at oppression ng isang pasahero na nagngangalang Melony Moises pati na ng isang Ariel Fernandez, kilalang NAIA reporter ng Manila Bulletin at GMA News correspondent.

Yari kang balbon ka!

Nag-ugat ang reklamo kay TCEU Borbon matapos niyang i-offload ang pasaherong si Moises at agawin ang identification card ng news correspondent.

Kitang-kita raw ang pagkamaldita ng nasabing TCEU sa pagsagot nang walang galang at tila kung sino sa pagtataray na hindi inalintana ang media na nakaharap sa kanya!

Siguro nga ay panahon na para sampolan ng reklamo si TCEU Balbon ‘este’ Borbon!

Napakarami na nating narinig na hindi magandang asal ng nasabing TCEU!

Sayang, dahil kung ano ang iginanda ng panlabas na kaanyuan niya ay ganoon naman pala kasama ang asal na ipinamamalas niya?!

Baka kasi akala ni TCEU Maldita ‘este’ Princesa ay kaya pa rin siya isalba ng kanyang haring Miswa?

Imagine puwede naman magpakita ng magandang asal at maayos na usapan kung gugustuhin pero kung talagang ang kanyang ugali ay mahirap nang baguhin, lilitaw at lilitaw ‘yan ‘di ba?!

Sa mga nag-file ng complaint na sina Melony Moises at Ariel Fernandez, mas mabuti siguro kung mag-file na rin agad kayo ng reklamo sa Ombudsman para masampolan na ang ganitong abusadong TCEU sa airport.

Napakarami nang nagsa-suffer na mga kababayan nating Pinoy sa kamay ng ilang power-tripper offloaders sa Immigration!

Masyado nang nalalabag ang Constitutional Right to Travel ng maraming Filipino dahil sa ilang abusadong TCEUs!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *