Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, favorite singer si Sarah Geronimo

00 Alam mo na NonieTALENTED talaga itong si Ana Capri. Bukod kasi sa pagiging magaling at award-winning actress, may iba pang taglay siyang talento bilang alagad ng sining. Nagpe-paint din kasi si Ana, plus, singer siya at nagko-compose rin ng kanta.

“Gusto kong maging singer if given a chance. I like to sing and when I have time I write songs. I like Nora Jones, Diana Ross, Madonna. I do shows po. Mas active lang po sa acting,” saad sa amin ni Ana.

Dagdag pa niya, “Ellie Goulding gusto ko rin, I like singers na calming yung voice.”

Sinong local artist ang favorite mo and why? “I like Joey Albert, Aegis, Asin, Sarah Geronimo, they’re good and yung song nila, nakaka-relate ako,” wika pa ng aktres na so far, tatlong songs na ang na-compose.

Si Sarah lang ang medyo bata sa favorite singers mo, bakit mo siya nagustuhan?

“Well, kasi si Sarah, total performer siya and she can hit the notes… Very flexible rin siya, she can do all songs. Kumbaga, total package kasi si Sarah as an artist,” esplika ni Ana.

Nabanggit din ni Ana sa amin na plano niyang magkaroon ng first art exhibit very soon. Sa acting projects naman, bukod sa pagiging abala sa pelikula ay in-demand din sa TV shows si Ana.

Mapapanood din si Ana sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan na tinatampukan nina Edgar Allan at Michael Pangilinan. Si Ana bale ang lover dito ng Superstar na si Nora Aunor.

Anyway, isa si Ana sa special guest sa show na Voices of Love na gaganapin sa Music Box sa May 29 (Sunday). Tampok dito ang mga promising singers na sina Alyssa Angeles, Erika Mae Salas, Josh Yape, at Sarah Ortega. Front act naman dito sina Janna Manuela Enriquez, Adrian Desabille, Stephanie Bangcot, Aizert Ann Bolivar, at Katherine Grace Galleto.

Bukod kay Ana, special guest dito sina Michael Pangilinan, Tori Garcia, at ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Catan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …