Friday , November 15 2024

PNoy taas noong lilisan sa Palasyo

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III, taas noo niyang lilisanin ang Palasyo dahil tinupad niya ang kanyang mandato bilang presidente ng bansa sa nakalipas na anim na taon.

“Ang masasabi ko po, sa darating na ika-30 ng Hunyo, pagpalo ng alas-dose ng tanghali, matiwasay tayong makakababa sa puwesto, makakalingon nang taas-noo sa sambayanang Filipino, at mata sa matang masasabi: Tumotoo ako sa inyo. Tumupad ako sa mandatong kaloob ng aking mga Boss,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial signing ng Republic Act 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act sa Malacañang kahapon.

Aniya, nakikita ng publiko na sa nalalabing 43 araw sa kanyang termino ay tuloy-tuloy ang kanilang trabaho at sinasagad ang pagkakataong makapaglingkod sa sambayanang Filipino.

“Hanggang sa huli po: Isang karangalan para sa isang Noynoy Aquino ang makapaglingkod sa isang dakilang lahi, sa aking mga Boss, sa inyo, ang sambayanang Filipino,” ayon sa Pangulo.

Sa  RA 10821 ay lalong tumibay ang obligasyon ng lokal at pambansang pamahalaan na magtayo ng child-friendly spaces, evacuation centers, transitional shelters na may pasilidad para sa mga pangangailangan ng mga kabataan pati na ang mga buntis sa panahon ng kalamidad.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *