PNoy admin, SMARTMATIC muling binahiran ang integridad ng eleksiyon
Jerry Yap
May 19, 2016
Bulabugin
NAKALULUNGKOT na maging ang mga nanalo overwhelmingly sa eleksiyon nitong Mayo 9 ay nababahiran ngayon ng dungis dahil sa ginawang pambabastos ng SMARTMATIC sa kasagradohan ng ating karapatan na pumili ng mamumuno sa ating bansa.
Mula pagkabata, namulat tayo na ang eleksiyon ay mahalagang araw para sa ating pagkamamamayan. At ang ating boto ay sagrado.
Kaya ang ginawang pakikialam ng Smartmatic sa pamamagitan ni Marlon Garcia, isang dayuhan, para ipasok umano ang ‘cosmetic changes’ sa transparency provider ay isang malaking panlalansi sa karunungan ng mamamayang Filipino.
Kalapastanganan sa isang sagradong karapatan!
Higit na malala ang pagkonsinti ng Comelec sa ginawa ng Smartmatic.
Ang pakikialam na ‘yan, sabihin mang cosmetic changes, nang walang pahintulot sa Comelec en banc ay pinaniniwalaang naging puno’t dulo ng tinatawag ngayong electronic dagdag-bawas (e-dagdag-bawas/e-daya) sa resulta ng eleksiyon.
Duda ang maraming mamamayan na ang e-dagdag-bawas/e-daya na ‘yan ay pinakinabangan nang husto ni Leni Robredo.
Bakit hindi?!
Nakapagtataka na noong simulang galawin o pakialaman ni Marlon Garcia ang transparency server, ang lamang na isang milyong botong mahigit ni Senator Bongbong Marcos ay unti-unting nilamon ni Leni Robredo.
Saan kumuha ng boto si Leni?
Sa simula’t simula hindi siya nanaig sa mga survey. Ang pag-angat ni Leni sa survey sa mga huling sandali ng kampanya ay kinakitaan na ng mind-conditioning.
Pumutok din ang teoryang PLAN B na marami ang nag-iisip ngayon na isang katotohanan.
Ang pananaw pa nga ng Duterte supporters, kung hindi overwhelming ang kanyang panalo, plano rin siyang yariin ni Mar Roxas.
Bakit ‘kan’yo?
Nakapagtataka ang biglaang pagpangalawa ni Roxas. Unti-unti rin niyang nilamon ang boto nina Sen. Grace Poe at VP Jejomar Binay.
Mabigat ang dapat panagutan ng Smartmatic sa nagdaang eleksiyon sa bansa.
Gaya sa ibang bansa, ang Smartmatic ay walang magandang track record sa mga eleksiyong sila rin ang kakontrata.
Hindi na simple ang panlilinlang ngayon dahil ito ay electronic na panlilinlang.
At marami ang naniniwala na ang serbisyo nila ay kinukuha hindi upang maging mabilis at maayos ang eleksiyon.
Kinukuha sila upang maging mabilis at iglap ang pandaraya.
Hindi ito dapat palampasin ng sambayanan. Dapat managot at makulong ang mga taga-Smartmatic dahil bilyones ang kinita nila sa ating bayan.
Binayaran na natin ng bilyones, winasak pa ang kasagradohan ng ating eleksiyon.
Daig pa niyan ang heinous crime.
Kung may death penalty, kulang pa ‘yan para sa mga taga-Smartmatic at sa lahat ng mga kasabwat sa PNoy administration.
Kondenahin natin hanggang maparusahan ang pambababoy ng isang dayuhan sa ating halalan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com