SINONG may sabing bitin ang inilaang season sa pag-ere ng reality singing competition na Born To Be a Star?
No, hindi po ‘yon totoo dahil sa katunayan ay gaganapin na ang pagtutuos ng mga bigating star hopefuls sa grand finals this May 29, Sunday.
Siyempre, bukod sa excited ay aligaga ang mga paru-paro sa mga tiyan ng mga magsisipaglaban-laban in pursuit of them dream na sumunod sa yapak nina Mark Bautista, Angeline Quinto, at Sarah Geronimo.
Todo-paghahanda na nga ang ginagawa ng mga kalahok dahil at stake lang naman for the first ever grand champion ang P1-M cash, five-year management contract under Viva, at house and lot.
On the judges’ side, expect eye-popping production numbers kasama ang mga grand finalist. Nasaksihan kasi nina Rico Blanco, Aiza Seguerra, Andrew E, Pops Fernandez, Kuh Ledesma and even its main host Ogie Alcasid, segment host Yassi Pressman and journey host Mark kung paanong bago sumalang sa entablado ay pinapasok ng mga kalahok ang mga ito sa kanilang simpleng buhay until they made it to the last phase of the competition.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III