Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristina at Alfred, nadamay sa kagagahan ng anak

BAGAMAT her last name rings a bell ay “da who” para sa maraming netizens ang isang nagngangalang Sofia Romualdez sa Twitter until her name was traced bilang dyunakis pala ng dating sexy star na si Cristina Gonzales.

Ikinaloka ng mga utaw sa cyber space ang comment ni Sofia sa kanyang buong ningning na pagtawag ng “bobo” kay VP candidate Leni Robredo, ito’y habang isinasagawa pa ang bilangan para sa posisyong pinag-aawayan nila ni Bongbong Marcos.

Kauna-unawa siyempre ang pagiging anti-Leni ng Sofia na ‘yon o kung sinuman ang pahara-hara sa landas na ni Bongbong she being a Romualdez na kadugo ng ina nito, si Mrs. Imelda Marcos.

More so nga lang kay Leni dahil bahagi ito ng daang matuwid administration ni outgoing President Noynoy Aquino whose camp ay labis na binatikos sa lugar ng mga Romualdez noong panahon ng super typhoon Yolanda.

Pero ang nakakaloka ay ang komentong ‘yon coming from a member of supposedly decent family, kaya hayun, binagyo rin ng super panlalait ang batang hindi yata muna nag-think bago mag-click!

At aber, sino tuloy ang pinutakti ng pang-ookray, who else kundi ang nanalo nga niyang nanay bilang mayor ng Tacloban City na nananahimik.

Kung kilala sa showbiz circle si Cristina pet named Kring Kring, very soft-spoken ito, and in fairness, hindi bastusin kahit noong mga panahong nalinya ito sa maraming walang kawawaang bold films ng Seiko Films!

Kahit later on ay nabalita ring naging isang Bruneiyuki si Kring Kring, still she managed to maintain a respectable image unlike ‘yung ibang mga boldie na nagpakabalahura na nga sa paghuhubad, balahura pa rin ang tabas ng dila.

Is it poor Sofia na mukhang hindi naturuan ng paggalang ng kanyang mga magulang? No, it’s poor Cristina and her dyowa na damay sa “kagagahan” ng dyunakis!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …