Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang JC at Jessy, click sa viewers

00 fact sheet reggeeSUCCESS ang tambalang JC de Vera at Jessy Mendiola dahil ang pinagsasamahan nilang Wansapanataym Presents: Just Got Laki noong Linggo (May 15) ay nakakuha ng 28.5% sa ratings game kompara sa katapat nitong palabas na Ismol Family na nakakuha lamang ng 17.6%, base sa datos ng Kantar Media.

Sabagay, maski naman sa You’re My Home serye ay marami na ang nakapansing bagay na loveteam sina JC at Jessy at bagay din daw silang maging magdyowa.

Anyway, sa pagpapatuloy ng kuwento, matapos maging viral ang ginawang video nina Maki (JC), Jimboy (Nico Manalo), at Paw-paw (Nicco Antonio) ay hahanapin sila ni Ysabel (Jessy) upang maging endorser ng kanilang candy shop.

Ngunit isang malaking problema ang haharapin nina Maki dahil ubos na ang magic candy na nagpapatanda sa kanila.

Ano kaya ang gagawin ng magbabarkada upang tumanda at maipagpatuloy ang kanilang pagsikat? Mahanap kaya sila ni Ysabel?

Mabunyag na kaya ang kanilang sikreto? Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki ngayong Linggo sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …