Friday , November 15 2024

Itatalagang city admin ng Cabuyao City, pinapalagan?!

ISANG malaking tagumpay raw para sa mga Cabuyeño ang pagkakahalal kay incumbent vice mayor Atty. Rommel Gecolea bilang bagong Mayor ng City of Cabuyao, Laguna.

Malinaw na naubos ang kanilang pasensiya at paniniwala sa noon ay hinahangaan nilang si Isidro “Jun” Hemedes na tatlong termino rin nanungkulan bilang alkalde ng isa sa mga pinakaprogresibong bayan sa buong CALABARZON.

Kung kailan daw kasi naging siyudad na ang nasabing lugar ay saka naman nabahiran ng sandamakmak na anomalya ang nakaraang administrasyon ni Hemedes. Kaya naman daw sandamakmak na kaso rin ang naging pabaon para kay ex-mayor?!

Pero ano ang narinig natin na hindi raw yata ‘APRUB’ para sa mga taga-Cabuyao lalo na sa city hall employees ang planong pagpapaupo ni Mayor Gecolea sa kanyang manok o bagong City Administrator na si Atty. LIEZEL VILLANUEVA?!

Huh?! E baket?!

Tila hindi raw yata tubong Laguneño si Atty. Villanueva dahil isa siyang Pangasinense?

Puwede naman daw mismong taga-Cabuyao or at least taga-Laguna man lang ang maging City Admin pero ano at kinakailangan pang dayo sa kanilang lugar ang magiging “little mayor” na magdidikta sa kanila?!

Wattafak!?

Ngayon daw ay current OIC ng General Services Office sa Caloocan City si Atty. Villanueva.

 At ni minsan daw ay hindi man lang nakita kahit anino sa nakaraang campaign ni Mayor Mel Gecolea.

The worst, hindi man lang daw botante sa nasabing lalawigan!

Oh I see!!!

Kasuwerte naman pala nitong si Atty. Mayora ‘este’ Atty. Villanueva!

Mukhang wala yatang tiwala si Mayor Mel sa kanyang mga kababayan at kinakailangan pang mag-importa ng ibang utak galing sa Pangasinan ‘este’ Caloocan?!

Teka, ano ba talaga, Yorme Mel?!

 Ano raw ba ang special skills nitong si Atty. Liezel Villanueva?

What is so special about her?

Sa ngayon ba ay mayroon agad pinaplanong “Special Ops” umano sa panunungkulan ni Mayor Gecolea o meron lang “Special Relationship” between the two?

Ops, ops, ops! Ating subaybayan!!!

Utol ni Pacman pekeng kandidato, pekeng Congressman

HINDI natin alam kung bakit hinahayaan ng Commission on Elections (Comelec) na mabahiran ng pagdududa ang pamamahala nila sa eleksiyon.

Gaya ng kaso ng utol ni 8-division boxing champion Manny Pacquiao na si Rogelio “Ruel” D. Pacquiao.

Tumakbo si  Ruel, ang utol ni Manny, bilang congressman sa Saranggani.

Ito ‘yung puwestong iniwan ni Pacman, dahil siya ngayon ay isa na sa ating mga Senador.

Pero, batay mismo sa pagsisiyasat ng abogadong si Atty. Berteni “Toto” Causing, maraming hokus-pokus na ginawa ang utol ni Pacman para makapaghain ng Certificate of Candidacy (COC) sukdulang babuyin at paglaruan ang mismong dokumento ng kanyang kapanganakan (birth certificate).

Sa kanyang voter’s registration sa Barangay Apopong, General Santos City, sa Precinct No. 0067C, ang kanyang birthday ay nakatala bilang June 17, 1982.

Ang kanya namang voter’s registration sa Alpha Village, Alabel, Sarangani, ang kanyang birthday ay nakatalang September 17, 1982.

Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy noong October 12, 2015 habang ang kanyang registration bilang botante ay noong October 19, 2015.

Ganyan kalupit ang hokus-pokus na umano’y ginawa ng kampo ni Ruel Pacquiao.

Wala tayong problema, kung lokohin man ni Ruel ang kanyang sarili para papaniwalain ang kanyang mga kababayan na siya ay karapat-dapat maging kongresman.

Ang dapat kasing magdala ng problemang ‘yan, ‘yung mismong gumawa at ang ahensiyang nakatalaga rito, gaya nga ng Comelec.

At ‘yun talaga ang labis na ipinagtataka natin.

Bakit pinagtibay ng Comelec ang kandidatura ng utol ni Pacman na si Ruel gayong sandamakmak ang discrepancies?!

Sa simulang-simula pa lamang ay marami nang mali o sinadyang mali sa kanyang mga rekesitos, bakit pinayagan ng Comelec?!

Magkano ‘este’ ano ang dahilan!?

Nauna pang maghain ng COC kaysa magparehistro bilang botante, hindi ba malinaw na panggagago ‘yan, Comelec Chairman Andy Bautista?!

Paano naaprubahan ang kandidatura ng utol ni Pacman?

At ang masaklap, nanalo pa?!

Wattafak!?

Anong rektipikasyon ang gagawin ng Comelec para ituwid ang kabuktutang ito?!

Paki-explain nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *