Federal system target sa loob ng 2 taon — Duterte
Rose Novenario
May 18, 2016
News
DAVAO CITY – Plano ni President-elect Rodrigo Duterte na magbuo ng komite na ang mga miyembro ay mula sa mga Moro, Kristiyano at mga Lumad na siyang magpapaliwanag sa mga tao sa magandang idudulot ng federalismo.
Magugunitang sa kampanyahan ay kabilang sa isinulong na programa ni Dueterte ang pagkakaroon ng Federal system of government para makaagapay ang iba pang mga rehiyon na umunlad.
Kabilang rin dito ang iba pang mga grupo tulad ng MILF, MNLF na mabibigyan din nang pagkakataon mamahala ng kanilang sariling lokal na pamahalaan.
Positibo si Duterte na magkakaroon ng plebisito bago ang dalawang taon.
Ito ay kung matapos nang mabalangkas ang panukala sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon).
Red Tape wakasan (Digong sa gov’t agencies)
DAVAO CITY – Muling nagpaalala si President-elect Rodrigo Duterte sa mga empleyado ng gob-yerno na kailangan huwag pahirapan at tratuhin nang maayos ang kukuha ng mga dokumento o permit mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Duterte, mas mabuting umalis na lamang sa trabaho ang sino man na nagpapahirap sa mga tao sa pagkuha ng permit at mga dokumento mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa Palasyo ng Malacañang.
Madali lamang ani-yang palitan ang mga empleyado na umaabuso sa kanilang trabaho.
Aniya, kung may matatanggap siyang reklamo mula sa mga tao, maaaring paiimbestiga-han niya ito sa Ombudsman, ipasuspendi o kaya paalisin sa trabaho.
Iginiit rin ni Duterte, kailangan magtrabaho nang maayos ang mga nasa gobyerno lalo na’t mula sa buwis ng mga tao ang kanilang suweldo.
Shoot-to-kill order ni Duterte sinuportahan ng Palasyo (Laban sa kriminal, drug traffickers)
PABOR ang Palasyo sa shoot-to-kill order ni president-elect Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kriminal at drug traffickers na lalaban sa mga awtoridad.
Ayon kay Communications Secrtary Herminio Coloma, Jr., nasa kapangyarihan ng isang Pangulo bilang chief executive, ang pagpapatupad ng mga batas na walang kinikilingan at parehas.
Habang nilinaw kamakalawa ni Duterte na ang shoot-to-kill ay hu-ling opsiyon ng mga awtoridad kung lalaban ang mga suspek sa krimen.
“The President as chief executive is duty bound to enforce the laws of the land fairly and justly. In his press conference, the incoming President clarified that the shoot-to-kill option shall be taken as a last resort for when cri-minal suspects actively resist arrest,” ani Coloma.
Samantala, ipinauu-baya na ng Malacañang sa Commission on Human Rights (CHR) ang pag-iimbestiga sa mga insidente ng shoot-to-kill kung naaayon ito sa batas at kung may nalabag na karapatang pantao.
“As a body created by the Constitution, the CHR is well within its duties to spouse adherence to the rule of law and respect for human rights,” sabi ni Coloma.