Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raptors pinauwi ang Heat

BINUHAT nina Kyle Lowry at DeMar DeRozan ang Toronto Raptors upang isampa sa Eastern Conference Finals sa kauna-unahang pagkakataon kahapon matapos kaldagin ang Miami Heat, 116-89 sa Game 7 ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA) semifinals playoff.

Nagtala sina Lowry at DeRozan ng 35 at 28 points para ilista ng Raptors ang 4-3 serye sa kanilang best-of-seven second round playoff.

Nagdagdag si center Bismack Biyombo ng 17 puntos at 16 rebounds para sa Toronto na haharapin ang EC defending champion Cleveland Cavaliers sa Finals.

Sa Western Conference Finals, magtatapat naman ang NBA defending champion Golden State Warriors at Oklahoma City Thunder.

Sa nalalabing segundo na lang ng  orasan, sumisigaw ang mga fans ng “We Want Cleveland!” kaya naman inaasahang magiging mainitan at mahigpit ang labanan ng dalawang koponan sa Martes ng gabi (Miyerkoles ng umaga sa Pinas).

Tumulong din sa opensa para sa Toronto sina DeMarre Carroll at Patrick Patterson na nagtala ng 14 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.

Sina Dwyane Wade at Goran Dragic ang nanguna sa opensa para sa Heat na may tig 16 puntos habang kumana si center Justise Winslow ng 14 puntos  at walong boards.

Nakalamang lang ang Heat, 37-36 sa 5:41 mark sa second quarter matapos isalpak ni Joe Johnson ang kanyang hook shot.

ni Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …