Thursday , December 26 2024

Pradera Verde, tourist destination in the making

00 SHOWBIZ ms mDATI kapag sinabing Lubao, Pampanga, ang unang sumasagi sa ating isipan ay lugar ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pero ngayon, tiyak na mababago ang pagkilalang ito dahil sa Pradera Verde, prime destination ng mga golfer at wake boarder. Idagdag pa ang pagdaraos ng 2016 International Hot Air Balloon Festival noong Abril 11-14.

Naanyayahan nina governor Lilia Pineda at mayor Mylyn Pineda-Cayabyab ang aming grupo, SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors, Inc.) na magtungo sa bagong tayong atraksiyon sa Lubao, ang Pradera Verde na may 350 ektarya.

Nakalulula ang ganda at laki ng Pradera Verde na ang layunin ay mabigyan ng magandang atraksiyon ang bayan at makapagbigay din ng maraming trabaho sa mga taga-roon.

Bagamat marami pa ang itinatayong pasilidad sa resort tulad ng dalawang naglalakihang wave pool, dinarayo na ito ng mga wakeboarder at golfer.

051716 Pradera Verde

“Dito nga sana gagawin ang ASAP before ng ABS-CBN, hindi lang natuloy kasi ang hanap nila ay ‘yung may swimming pool,” kuwento sa amin ni Mayora Mylyn nang salubungin nito ang aming grupo pagkatapos ng masarap na pananghaliang inihanda ng magaling nilang chef/CEO na si Chef Paulo Nasol.

Bago iyon, isang masarap na agahan ang aming dinatnan sa Pradera Verde na ipinahanda ni Gov. Pineda. Nakipagkuwentuhan ito sa aming grupo at saka pinapunta sa aming villa na talaga namang super ganda at tamang-tama sa pamilya o magbabarkada. Mayroon kasi silang packages na puwedeng pagpilian sa duplex at villa na tama para sa tatlo, anim, at walo na may kasamang breakfast. Mayroon din silang golf packages at wake park cable rates. Para sa inquiries at reservation, maaaring mag-log on sa www.facebook.com/praderawakepark o tumawag sa 09174471214.

051716 padera speed gov pineda
Speed members kasama si Gov. Lilia Pineda

Nag-stay kami sa villa sa loob ng dalawang araw (kompleto ito sa gamit—TV sa bawat kuwarto, ref, sala set, at higit sa lahat—wifi na mabilis. Kahit nga sa buong paligid ng Pradera, may wifi).

Bukod sa resort, ipinasyal din kami ng grupo ng Lubao Tourism sa dalawang simbahan doon, ang St. Agustin Church, na napag-alaman naming idineklarang Important Cultural Property noong 2013 ng National Museum of the Philippines at sa Holy Cross Church na naroon ang Black Nazarene na natagpuan ng ilang magsasaka matapos ang pagsabog ng Mt. Pinatubo.

Dinala rin kami ng grupo ni Ricky Pablo (ng Lubao Tourism) sa Sta. Catalina Bamboo Negosyo Village na nakita namin ang mga produktong nagagawa mula sa kawayan gayundin ang mga upuang gawa sa gulong, ang mga basurang ginagamit na pang-cultured sa mga bulate para maging pataba sa lupa, at sa Lubao Bamboo Nature Park na talaga namang nakare-relax ng pakiramdam dahil sa lamig na dala ng mga kawayan.

051716 padera SPEED chef paulo
SPEED members kasama si Chef Paulo

Pagkatapos ng pamamasyal sa ilang mahahalagang lugar sa Lubao, nagtungo naman kami sa napakaganda ring Prado Farms na may limang ektarya ang laki (ang isang ektarya ay inilaan lamang sa taniman). Marami roong magagandang artifacts/souvenir items na maaaring bilhin.

Pero bago ‘yan, sinalubong muna kami ng refreshing lemongrass iced tea  at saka pinagmeryenda ng ground meat na may kasamang pandesal (na super sarap), kesong puti, longganisang maliit, mainit na tsokolate na may kasamang suman at pinipig at saka naman kami dinala sa napakagandang salty swimming pool.

Sayang nga lamang at medyo nabitin kami sa paglangoy dahil maggagabi na (hanggang 6:30 p.m. lang kami pinayagang mag-swim dahil madalim na sa lugar) kaya muli kaming bumalik sa Pradera para sa aming dinner. Doon, nadatnan namin ang napakasarap na dinner na inihanda muli ni Chef Paulo. (Bawat pagkaing inihahanda niya’y tunay na masarap tulad ng kare-kare, adobo, inihaw na liempo, bringhe, at sinigang sa bayabas na sugpo). Kapag nasa Pradera ka, kalimutan muna ang diet dahil sa masasarap na pagkain doon.

051716 padera mayor pineda cayabyab
Ang grupo kasama si Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab

Sa Pradera, inilibot kami sa napakalawak na golf course at nakita namin ang iba pang itinatayong villa na tutuluyan ng mga turista gayundin ang mini-hotel para sa mga solo visitor.

Sa dalawang araw, isang gabi naming pamamalagi sa Pradera Verde, tunay na nakare-relax ang lugar (na napakatahimik sa gabi na ang grupo lang yata namin ang nag-ingay dahil sa isinagawang bingo social) at tiyak na gusto naming balikan ito sa mga susunod pang panahon.

“Taon-taon na naming gagawin ang Hot Air Balloon contest. Open pa sa public ang lugar na ito pero kapag fully developed na tatanggap na kami ng members,” pagbabalita pa ni Mayor Mylyn kaya naman looking forward kami rito. At bago kami umalis doon noong Linggo, ginaganap ang triathlon competition.

Mula sa grupong SPEED, maraming salamat po sa mag-inang Lilia at Mylyn gayundin kina Chef Paulo at sa Tourism people ng Lubao. Sa ganda ng Pradera Verde, tiyak na magiging tourist destination ito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *