Thursday , December 19 2024

Jobless tumungga ng lason (Nasibak sa trabaho)

PATAY ang isang lalaki makaraan uminom nang lason nang masibak sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Jonathan Odi, 31, ng Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng live-in ng biktima kina SPO2 Jerry Dela Torre at PO1 Jessie Mora, bago ang insidente ay nakipag-inoman ang biktima sa kanilang mga kapitbahay.

Nang umuwi ang biktima dakong 10:45 p.m. ay sandaling humiga sa kama ngunit makaraan ang ilang sandali ay kumuha ng baso, sinalinan ng likido saka ininom.

Huli na nang nalaman ng ginang na silver cleaning solution pala ang ininom ng biktima kaya isinugod niya sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa ginang, na-depress ang biktima nang masibak sa trabaho.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *