KUMBAGA puwedeng matured role lang ang ginagampanan ng karakter ni Dawn Zulueta bilang “renaissance woman” na si Christy sa “Love Me Tomorrow” na na-inlove sa character ng DJ na si JC portrayed by Piolo Pascual.
Kahit kasi naglalayon pa ang pelikula na alamin kung kaya nga ba talaga ng pag-ibig na malagpasan ang iba-ibang gaps sa edad sa estado ng buhay pero dahil napanatili ang kagandahan at kaniyang kaseksihan, bumagay si Dawn sa edad ni Papa P sa kanilang May-December love affair movie sa Star Cinema.
Agaw-eksena rin ang character dito ni Coleen Garcia bilang Janine na maraming problema at madaling bumigay sa men na akala niya ay tototohanin siya. Samantala sa imbitasyon ng Star Cinema na set visit ng movie sa Alabang Town Center kasama ng ilang co-entertainment media at bloggers ay aming nakausap sina Dawn, Papa P, Coleen at ang bata at hunk na dating director na si Gino Santos.
Ang ganda ng daloy ng interview dahil naging magiliw ang cast sa pagsagot sa mga tanong na ibinato sa kanila ng press.
Like Dawn, nang tanungin siya kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto na matured ang role o nagdadalaga uli sa movie?
“No. Not at all,” bungad ng magandang aktres. “I thought it was an exciting project and I’ve long been wanting to work with Piolo. Matagal ko nang pangarap ‘yan, ang makatrabaho siya. It’s just that hindi pa kami makaisip that time kung ano ang bagay na project para sa amin,” dagdag niya.
Sabi pa ng aktres, very timely ang May-December kind of film nila ni Piolo. “I think that this particular material is timely. Kaya noong sinabi nila na sa akin nila ibibigay tapos si Piolo ang kasama ko, I really considered that a great honor.
“It’s a wonderful opportunity also for me to do naman something different,” paliwanag niya.
Isa pa rin daw sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang role ay dahil gusto naman niyang maiba ang kanyang ginagawa.
“Usually, ‘di ba lately ang mga nagagawa kong mga projects ‘yung role of a mother, may mga kids… maiba naman.”
At hindi rin daw siya magdadrama sa Love Me Tomorrow. “Ang ini-request ko lang dito sa project na ito huwag lang gawing… ayoko ng drama. I want to do something lighter para naman I can also explore my other facilities as an actress.”
Para naman kay Piolo, “I guess ito lang ‘yung nabibigay na concept. We do so much drama in TVs. Sa movies iba naman ito sa character ko sa Playback Playlist.
“Hindi naman sinasadya na gusto ng tao, na light ‘yung mapanood nila so sumasabay lang tayo, umaayon lang. Sa kanyang role bilang DJ, “I’ve always wanted to spin, maliit pa lang ako,” aniya.
“Kaya when I was given the role of a DJ, I didn’t think twice—I got me a mix console, the equipment I need so I could study it.
“Kapag nasa set ako, para akong nasa sariling mundo. Ang sarap lang mag-spin. It also helps me to get into the character.”
Si Coleen naman noong una raw ay talagang natakot siya na sina Dawn at Papa P ang makakasama niya pero during their shooting ay napanatunayan niya na humble at very professional ang dalawa. Yes like her co-star Dawn, ay may love scene raw sila rito ni Piolo. Walang binanggit si Coleen kung sobrang daring ang romansahan nila ng actor sa Love Me Tomorrow.
So you better watch it gyud!
MISS U AT LOLA’S PLAYLIST NI NIDORA, MGA BAGONG SEGMENT SA EAT BULAGA NA MAKAKASAMA NGAYONG LUNES
Sa lahat ng magagandang kolehiyala sa iba’t ibang universities na pang beauty queen ang dating, be ready at mag-audition na sa Broadway Studio ng Eat Bulaga 3 pm onwards at magdala ng inyong audition materials.
Dahil this week ay mag-uumpisa na ang “Miss U” sa inyong paboritong noontime variety show. Bukod sa crown ay may malaking cash prize na naghihintay para sa tatanghaling kauna-unahang “Miss U.” Tatanggap ng cash prize ang daily winner na madadagdagan pa sa weekly finals hanggang sa pag-compete sa grand finals.
Isa pang bagong segment na siguradong ikatutuwa ng lahat ng oldies ang “Lola’s Playlist” ni Lola Nidora (Wally Bayola). Singing contest ito para sa mga bata na kakanta ng mga lumang awitin noong 50s, 60s hanggang 70s. Nitong Sabado ay nagbigay na ng sample sina Jailian Ward at Hugo na apo ni Tito Sen na mga kumanta ng Paper Roses at Puppy Love.
Naku, siguradong mangangabog ang mga nasabing segment sa katapat na show.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma