Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty, naiiyak din kapag umiiyak ang anak

NANGANAK na pala si Beauty Gonzalez at mahigit dalawang buwan na pala ang kanyang baby. Naku, wala tayong kamalay-malay, ang akala ko ba naman ay patuloy si Beauty sa kanyang pagpapa-sexy. Kaya pala lately wala siyang naging pelikula o teleserye, ‘yun pala ay nabuntis at nagsilang na.

Norman Crisologo na isang Curator ang name ng partner ni Beauty na umaaming nagkaroon ng Post Partum Depression.

First time na maging mommy si Beauty, wala pang alam sa pagpapamilya kaya naiintindihan natin kung medyo nahirapan siya. May nakatutuwang kuwento nga si Beauty, kapag umiiyak daw ang kanyang anak ay umiiyak din siya.

Siguro, tumaba si Beauty pero ‘di ba madali naman siyang pumayat?

Kapag gusto na ni Beauty na bumalik sa showbiz, tiyak na magpapapayat ‘yan at magiging sexy uli.

Ate Vi, inilampaso ang kalaban

LANDSLIDE pala ang naging victory ni Vilma Santos sa katatapos na election na tumakbo siya bilang Congresswoman ng Lipa, Batangas. Mula sa pagiging gobernador ng Batangas for three consecutive terms, naging kongresista si Ate Vi at ‘yun na nga, mahal na mahal pa rin siya ng mga taga-Batangas dahil landslide nga eh.

Teka, kung pumayag kaya siya sa panliligaw noon ni PNoy na tumakbo siya bilang Vice President ni Mar Roxas, maging landslide rin kaya ang panalo ni Ate Vi? Buti na lang hindi siya pumayag kundi, hanggang ngayon siguro ay balot siya ng tensiyon at stress sa bilangan ng boto.

Congratulations din kay Dan Fernandez na nanalong Mayor ng Sta. Rosa, Laguna. Isa si Dan sa mga prime movers kung bakit nagkaroon ng struggle saMetro Manila Film Festival.

Win din si Lani Mercado bilang bagong Mayor ng Bacoor, Cavite.

Si Richard Gomez ay win din bilang new Mayor ng Ormoc at ang Vice niya na siMr. Locsin ay guwapo rin, mas guwapo at mas bata pa kay Goma. Kasing tangkad din siya ni Goma.

Anyway, congratulations sa mga artistang nagsipagwagi sa election, sa mga hindi pinalad, better luck next time.

MAKATAS – Timmy Basil

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …