Kaya ibinoto ng tao si Duterte…
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.
May 13, 2016
Opinion
KUNG totoo ang sinasabi ng mga dilawan na isang halimaw si President-elect Rodrigo Duterte at magkakaroon ng talamak na human rights violation sa panahon ng kanyang panunungkulan, ang tanging masasabi ko lamang ay ito: Kayong mga dilawan ang may kagagawan kaya nanalo si Duterte.
Ang kapalpakan ng inyong presidente na si Benigno Simeon Aquino III sa kanyang pamamahala ng bansa ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang kawalan ng pakiramdam ni BS Aquino sa damdamin ng kanyang mga boss ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang pagiging mapaghiganti ni BS Aquino sa kanyang mga kalaban tulad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at namayapang Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang pagyaman ng bansa na ‘di nararamdaman ng ordinaryong mga mamamayan ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang araw-araw na hirap na inaabot ng tao sa pagsakay sa LRT at MRT ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang kriminalidad ang dahilan kaya ibinoto g tao si Duterte.
Ang kabiguan ng administrasyong dilaw na magpatupad ng mga makabuluhang reporma nag nadarama ng masa ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang kabiguan ng administrasyong dilaw na tulungan nang maayos ang biktima ng mga kalamidad ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang massacre sa Mamasapano ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang pagbebenta ng mga dilawan sa Filipinas sa Malaysia ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang kabiguan ng mga dilawan na ayusin ang sigalot natin sa Tsina ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
Ang kabiguan ng mga dilawan na imbestigahan ang mga kakampi nila na sangkot sa graft and corruption ang dahilan kaya ibinoto ng tao si Duterte.
* * *
Di pala dapat sunugin ang mga basura ng nagdaang eleksiyon dahil nakalalason ang lilikhain nitong usok. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.