Sunday , December 22 2024

Ritz, no boyfriend since birth

SA totoo lang, marami ang ‘di makapaniwala sa sinabi ni Ritz Azul na never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. Na wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon.

Gusto ko siyang palakpakan, kasi bihira na lang sa mga babae ang ganyan. Na nasa 20’s na pero never pang nagka-boyfriend, eh, ang ganda-ganda ni Ritz at sexy pa.

Pero ibahin natin si Ritz. Nagsusuot man siya ng sexy naroon pa rin ang  pagiging dalagang Filipina. Naroon pa rin ang pagiging probinsiyana.

Sa totoo lang, maraming lalaki ang nagpapalipad-hangin kay Ritz kahit noong nasa TV5 pero hindi niya ito pinapansin dahil career at trabaho  ang main goal niya kaya siya nag-showbiz.

Kung patuloy ang pagkinang ng pangalan ni Ritz sa Dos, isa sa magiging claim to fame niya ay ang pagiging NBSB.

Any moment ay uumpisahan na ni Ritz ang The Promise of Forever  kasama sina Paulo Avelino at Ejay Falcon.

Parehong matinik sa chiks ang dalawa.

Mapaninindigan kaya ni Ritz ang pagiging No Boyfriend Since Birth the moment na pormahan na siya nina Ejay at Paulo?

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *