Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Admin officer ni Vice Mayor pagdo-doktor ang raket?

THE WHO si Admin Officer na nakatalaga sa Vice Mayor’s Office na sentro ngayon ng usap-usapan dahil sa anomalyang kinasasangkutan?

Ayon sa ating Hunyango, parang yagit lang daw noon si opisyal nang tumuntong sa City Hall na sakop ng Metro Manila pero sa kasalukuyan ay talagang asensado na.

Balato!

Sumbong sa atin, kung noon ay namamasahe o nagko-commute lamang si Admin Officer, sa ngayon ay puro mamahaling sasakyan na raw ang kanyang kabayo, ‘yan ay makalipas lamang ang anim na taon!

What?!

Yes ganyan kabilis ang naging pag-asenso niya!

Pero ang nakapagtataka, kahit na kaduda-duda na ang kanyang kayamanan, hindi pa rin siya sinisipa ni vice mayor dahil close daw sila.

Aguy!

Ano ba naman ‘yan nakakawala ka ng kagalakan Vice!

Mas maganda siguro kung kayong dalawa na lang ang tadyakan.

What do you think?

Hak hak hak hak hak hak!

Ituloy natin, matapos ang ilang taon bilang Admin Officer, umalingasaw na ang malansang amoy ng bagoong dahil ang isa pala sa mga raket niya ay payroll padding!

Aba! Aba! Aba! Pagdo-doktor na pala ang propesyon niya ngayon, pagdo-doktor ng Daily Time Record(DTR)!

Naku patay ka kay Digong kapag – nakaupo na ‘yon dahil malamang mabababratatat ka!

Wahahaha!

KIlalanin kung sino si Admin Officer na bumabagsak na raw ang katawan dahil sa katakawan niya sa salapi!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …