Friday , November 15 2024

Pasya ng sambayanan iginagalang ng Palasyo

KINIKILALA at iginagalang ng Palasyo ang pasya ng sambayanang Filipino sa nakalipas na halalan o ang pagwawagi ni presumptive president Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang landas ng mabuting pamamahala o “Daang Matuwid” ay naitatag na at lahat ng presidentiables ay kontra-korupsiyon at pabor sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng kasalukuyang pro-poor programs at isusulong ang mga inisyatiba upang hindi maudlot ang matatag na ekonomiya at makamit ang “inclisuve growth.”

“Daang Matuwid may be called different names, but its purpose and spirit will have lasting impact, and continue to shape the consciousness of our people and those that serve them in accordance with the principles of good governance and responsible citizenship,” ani Coloma.

Samantala, pinabulaanan ni Coloma ang ikinakalat na balitang may ikinakasang plano ang Liberal Party upang mapatalsik agad sa puwesto si Duterte para mabilis na mailuklok ang manok nilang si Leni Robredo sa Malacañang.

Itinanggi rin ni Coloma na may 80% na ng 2016 national budget ang nagasta ng administrasyong Aquino dahil puwedeng tunghayan sa mga website ng bawat ahensiya ng pamahalaan ang detalye nang ginastang pondo.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *