Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alma Moreno, natalo dahil kay Davila? (HHH, inokray sina Alma at Karen)

BY now ay hindi pa ganap na natatapos ang bilangan para sa national level, but we can already a remarkable trending kahit sa talaan ng mga senatoriable.

Sadly for her at sa kanyang mga tagasuporta, ang senatorial post na ninais sungkitin ni Alma Moreno ay naging mailap sa kanya. Kahit naman noong isinasagawa ang mga survey ay never lumutang sa Top 12 ang kanyang pangalan kahit nakasandal siya sa malakas na makinarya ng oposisyon.

May epekto nga ba kay Alma ang kanyang naging guesting sa programa ni Karen Davila na nangapa siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kontrobersiyal na RH Bill o same sex marriage, among others?

Palagay namin, ang kakayahan ni Alma ay napatunayan naman niya, in fairness, sa Paranaque City na nagsilbi siyang Councilor. At sa husay niya sa trabahong ‘yon, pinamunuan pa nga niya ang Councilors’ League of the Philippines.

But let’s face it, malaki ang pagkakaiba ng lokal sa pambansa in terms ng sinasakop nitong trabaho at kaakibat nitong responsibilidad.

Hindi man pinalad si Ness, it doesn’t mean na wala na siyang babalikan sa local level. Her track record can make her go back to the local scenario.

HHH, inokray sina Alma at Karen

SPEAKING of Alma and Karen, naaliw kami sa mga nag-impersonate sa kanila bilang Lovely at Kaladkaren Aguila sa Happinas Happy Hour, ang bagong comedy show ng TV5 tuwing Biyernes, 9:00 p.m., na nag-pilot noong May 6.

Okrayan to the max kasi ang kinalabasan ng spoof sa presidential debate na pagsasayaw to the tune of a nursery rhyme ang naging partisipasyon ni Alma, na ini-request ni Ogie Alcasid na gumaya naman kay VP Jejomar Binay as BP (Blood Pressure) Binat.

Spoofs, of course, mirror life’s realities. At kung pikon ka, walang puwang ang ganitong uri ng entertainment sa ‘yo.

Pero base man sa mga totoong isyu o kontrobersiya ang peg sa mga ganitong atake ng pagpapatawa, the point is ito ang hinahanap ng mga manonood. A light approach sa mga seryosong bagay told the comedic way.

Bukod kay Ogie ay poste rin sa HHH sina Gelli de Belen, Janno Gibbs at iba pang mga bituin ng TV5 na sina Ella Cruz, Mark Neumann, Eula Caballero, Yassi Pressman, Empoy, Tuesday Vargas, Margaux, Kim Idol, at Alwyn Uytingco.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …