Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglalambingan ng asawa at bunsong anak ni Sylvia, priceless moment

00 fact sheet reggeeIPINAGLUTO ni Sylvia Sanchez ang pamilya niya ng lasagna soup na kinuha niya ang recipe sa internet at niluto niya noong Miyerkoles.

Timing dahil walang taping ng My Super D ang aktres at sinamantala niyang pagsilbihan ang pamilya.

Aniya, ”tiyempo na wala akong taping ng ‘My Super D’ kaya heto binigyan ko ng oras na ipagluto ang pamilya ko, nami-miss na raw nila ang luto ko, eh.”

Maraming nagkagusto sa niluto ng aktres dahil ang daming nag-comment na gusto raw matikman at nagyaya pa ng dinner kagabi pero may biglaang lakad na si Ibyang kaya hindi siya puwede.

Binanggit namin kay ibyang na maganda ang feedback ng Super D lalo na sa mga bata kasi nga kuwento ng relasyon ng mag-ama at marami ang nakare-relate.

“Talaga, mabuti naman maraming nakaka-appreciate. Oo pambata nga ang ‘Super D’.

“Heto nga, natutuwa ako kapag nakikita ko ang bunso kong si Xavi at si Art na naglalambingan bago matulog, sarap ng pakiramdam kasi maski na busy sa trabaho si Art, hindi siya nagkukulang sa mga anak namin.

“Kaya kapag nakatulog na sila pareho hayan, pini-piktyuran ko, priceless talaga ang pakiramdam,” say ng nanay ni Super D.

Hindi na nagagawa nina Arjo, Ria, at Gela ang makasamang matulog sa iisang kama ang magulang nila at bunsong kapatid dahil may kanya-kanya na silang ginagawa lalo na ang panganay niya na bihira niyang makita dahil busy sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

At sa pagpapatuloy ng My Super D ay natupad na ang matagal nang pinapangarap ni Dodong (Dominic Ochoa) na maging isang superhero sa kanyang pagta-transform bilang ang tagapagtanggol na si Super D sa tulong ng mahiwagang asul na dyamante.

Upang mailigtas ang anak na si Dennis (Marco Masa) mula sa kidnappers, humingi ng tulong si Dodong mula kay Pablo (Nonie Buencamino), ang kaibigan ng yumaong superhero na si Super D (Richard Yap) para hanapin ang asul na dyamante.

At sa tulong nito, nagpalit na nga ng anyo si Dodong bilang si Super D at buong tapang na iniligtas ang kanyang anak mula sa kidnappers gamit ang kanyang super powers.

Tuluyan na kayang tanggapin ni Dodong ang responsibildad ng pagiging superhero?

Mas magiging maaksiyon at kapana-panabik ang panonood ng ABS-CBN TVplus subscribers dahil matutunghayan na ang super marathon ng My Super D tuwing Sabado sa Yey! Sama-samang panoorin si Dodong sa kanyang adventures bilang si Super D ng walang commercial breaks simula ngayong May 7, 6:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …