Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai at Pokwang, nagkasira

NAGBABADYANG mauwi sa hidwaan ang pagkakaibigan nina Wilma (Pokwang) at Maricel (Melai Cantiveros) dahil nalalapit nang malaman ng huli ang pagsira ng kanyang kaibigan sa binitawang pangako nito sa Kapamilya afternoon series na We Will Survive.

Ilang taon na ang lumipas ngunit matindi pa rin ang hinanakit ni Maricel  kay Pocholo (Carlo Aquino) matapos siyang ilang beses lokohin at paasahin. Kaya naman lubos ang nararamdamang galit sa panahong nadiskubre niyang hindi tinupad ni Wilma ang kanilang usapan na huwag hayaan si Pocholo na maging parte ng buhay ng kanyang anak.

At dahil dito, magiging buo ang desisyon ni Maricel na ilayo si Jude (John Steven De Guzman) sa kanyang ama at tuluyan nang putulin ang kanilang ugnayan bagamat labag sa kalooban ng kanyang anak.

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 ( Roldan Castro )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …