MAY bansag ang isang sikat na male TV host sa isang female singer na sumikat sa kanyang panahon.
Kapansin-pansin kasi na ibang-iba kaysa rati ang hitsura ng singer, dahilan para tuksuhin siya ng host nang minsang mag-guest ito sa kanyang show.
“Oy, Michael Jackson, kumusta na?” sabay hagalpak sa tawa ang host.
Da who ang binansagang “Michael Jackson” na singer ng mapagbirong TV host? Itago na lang din natin siya sa bansag na Evangeline U. Henyo.
( Ronnie Carrasco III )