Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, ‘di nagtatanim ng galit

WALANG masamang tinapay kay Heart Evangelista.

Ito ang matagal na naming realization tungkol sa pagkatao ng aktres na matagal ding panahon na aming nakatrabaho sa nakansela nang programa, ang Startalk, in September 2015.

Aware naman ang lahat that she brushes noong dalaga pa si Mrs. Dantes na nag-ugat noong magkasama sila in the remake of Temptation Island. Nagkaroon sila ng word war, na natigil na lang nang kapwa sila ikinasal to their respective partners.

All throughout though ng tensiyon sa kanila, alam n’yo bang willing si Heart na makipag-ayos kay Mrs. Dantes, even having her bilang subject ng kanyang live interview sa Startalk when the latter needed to promote her show?

It has always been good vibes naman kasi ang ipinaiiral ni Heart, na sa halip na makipag-intrigahan pa ay marami siyang puwedeng pagkaabalahan. Remember that Heart also dabbles in painting. Marami rin siyang mga cause-oriented projects lalong-lalo na para sa mga batang may sakit.

Wala ngang puwang kay Heart ang magtanim ng galit o sama ng loob dahil katwiran niya, sagabal lang ito sa pag-usad ng nais niyang ma-accomplish sa buhay.

Excited ang aktres dahil muli na naman siyang visible via GMA’s Juan Happy Family Love Story opposite Dennis Trillo. May pagka-naughty ang tema ng kuwentong ito, pero bilang isa nang maybahay ay keri ni Heart ang pagka-sex-oriented ng show na ito na magsisimula na sa isang lingo.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …