Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng nam-bully kay Melai, masasampolan ng Anti-Cyber Bullying Act

LUMALABAS na medyo kalmado lang si Jason Francisco sa ginawang pambu-bully ng isang supporter ni Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang anak sa social media.

So far ay wala pang nasampolan sa bagong law na Anti-Cyber Bullying pero desidido ang komedyanang si Melai Cantiveros na mabigyan ng katarungan ang ginawapang paglapastangan ng isang basher na supporter ni Mayor Duterte.

Nang malaman ng basher na supporter si Melai ni Mar Roxas ay walang preno na itong nagbigay ng kanyang comment at sana raw ay ma-rape ang anak ni Melai.

Of course, super foul ito at maski sa akin gawin ‘yan ay magwawala ako.

Kaya nga  sa tuwing magpo-post ako sa paborito kong presidentiable , may pasubali kaagad ako na kapag may magko-comment ng masama o sasalungatin ang sinabi ko, automatic block kaagad siya.

Masasabing hindi seryoso sa buhay si Melai at palagi siyang nagpapatawa pero this time, seryoso siya, nararamdaman ko ‘yun.

At ang babaeng basher na ito, baka ito ang unang masampolan ng bagong batas na nilikha para protektahan ang mga tao na nabu-bully.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …