Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa Padilla ‘ginamit’ ng arketiktong si Conrad Onglao?

MATITINDI ang mga akusasyon na ibinabato ngayon sa nakahiwalayang dating live-in partner ni Zsa Zsa Padilla na si architect Conrad Onglao.

Sabi ay bad temper raw si Mr. Onglao at hindi nakawawala sa dating mayamang misis na madalas raw ipag-react ni Zsa Zsa. Siyempre sino ba ang hindi magagalit e, may karelasyon ka na, pagkatapos ay nakikipag-communicate ka pa sa ex mo.

Isa pang nakalolokang isyu ay ‘yung bahay na sabi ay regalo raw ng guy kay Ms. Padilla ay hindi pala nito solong pag-aari kundi ka-share niya rito ang ex-wife na tila in-love pa sa kanya.

Tinatawag ring user ang nasabing arketikto na kaya lang daw niligawan si Zsa Zsa dahil ang feeling niya celebrity, dahil celebrity ay malaki ang kita at makapagbibigay sa kanya ng connections sa mga friends niyang balak magpapagawa ng bahay.

Masyado rin daw maliit ang tingin ni Onglao at ng pamilya nito kay Zsa Zsa bagay na ikinasasama ng loob ng singer-actress. Kaya kaysa forever siyang magtiis sa lalaking hindi niya kasundo ay nag-decide siyang magbabu na lang sa kanilang relasyon.

Tama si Divine Diva gyud!

MARAMI NANG TUMUTUGON SA “ISANG LAPIS ISANG PAPEL” PROJECT NI BOSSING VIC SOTTO

Pangatlong taon na ngayon ng “Isang Lapis Isang Papel” project ni Bossing Vic Sotto. Masaya si Bossing dahil tulad ng mga naunang taon, marami sa mga kababayan o dabarkads natin ang muling tumugon sa kanyang hiling na regalo para sa mga mag-aaral na ang pamilya ay pawang mga kapos sa buhay.

Kaya sa darating na pasukan, hindi na poproblemahin ng mga magulang ang pambili ng gamit eskuwela ng kani-kanilang mga anak dahil libre nila itong matatanggap, courtesy of Bossing at ng mga taong nag-donate na araw-araw ay kanyang pinasasalamatan sa Eat Bulaga.

This year, tiyak na makabubuo ng libo-libong school supplies si Bossing na kanilang ipamamahagi sa buong bansa bago magbukas ang klase. Sa totoo lang walang binatbat kay Bossing ang ibang politiko riyan na puro pangako lang ang alam gawin sa kanyang constituents.

Bossing kahanga-hanga ang pagtulong mo na ito gyud!

BACK 2 BACK –  Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …