Friday , November 15 2024

Utak sa pumatay sa Brgy Capt. sa Cavite City kumandidato pa!?

PATULOY pa rin na gumagala umano ang gunman na suspek sa pagpatay kay Cavite City Brgy. Captain Boyie Picache, na ang “utak” ng pagpaslang ay isang mataas na opisyal ng nasabing lingkod kasabwa’t ang isang pulis at isang inaanak umano nito sa kasal.

***

Isang e-mail ang natanggap ng inyong lingkod,at nakiusap na huwag banggitin ang kanyang pangalan para sa kanyang seguridad.

“Si Brgy. Captain Boyie Picache ay pinatay noong petsa Marso 19, 2013, ng nagsosolong gunman dakong 5:00 ng umaga sa palengke, bumagsak na duguan at may tama ng kalibre. 45 baril, sa harapan ng kanyang kasamang apo.

***

Pagkatapos mapatay ang kapitan, ang suspek ay dumaan sa main gate ng palengke, habang hinihintay ng isang pulis, na ‘di muna natin ibinulgar ang pangalan, sakay ng isang skeleton na motorsiklo.

***

Ang nakalulungkot, isa sa kasabwat sa planong pagpatay sa Kapitan ay nagkunwari pa na tumakbo sa lugar ng pinangyarihan ng krimen upang makita ang duguang bangkay ni Kapitan Picache, na lingid sa kaalaman ng mga tao, tiniyak ng taong kasabwat kung tunay na wala nang buhay si Kapitan Boyie Picache.

***

Terible ang planong ginawang pagpaslang kay Kapitan Boyie, dalawang linggo na masusing pinag-aralan ang mga galaw ng pinaslang na Kapitan. Higit na masakit  hanggang ngayon ay naroroon lang sa Cavite City ang mga salarin!

Ang utak ng krimen na may mataas na posisyon sa pamahalaang lokal ay malaya pa ring kakandidato ngayon sa lalawigan ng Cavite.

***

May anggulong kaugnayan sa politika ang nasa likod ng pagpaslang kay Kapitan Boyie Picache, na hindi naresolba ng pulisya ang kaso, at siyento porsiyentong hindi talaga makakamit ng pamilya ni Kapitan Picache ang katarungan, dahil sa siyudad ng Cavite, kung sino ang dapat na takbuhan ng mamamayan, ay utak pala ng sunod-sunod na patayan sa Cavite City?!

***

Dating umanong mag-bespren si Kapitan Picache at ang utak ng pagpaslang, pero dahil sa politika, naging magkaaway sila, dahil tinik si Kapitan Boyie Picache sa kandidatura ng ‘utak.’ Umupa ang gunman sa halagang isang milyong piso para likidahin si Kapitan Picache.

Ano ba meron sa maliit na siyudad na ‘yan?

Sa aking pagkakaalam, grabe ang tambak ng ilegal na droga sa siyudad!

Paging PDEA!

***

Sunod-sunod na patayan na may kaugnayan sa ilegal na droga sa Cavite City, ano na ang ginagawa ng mga pulpolisan ‘este’ pulisya? Nasa harapan na ninyo ang ‘utak’ ng mga patayan, papatay-patay pa rin kayo!

Kung takot kayo sa ‘utak’ ng mga patayan diyan, maghubad na kayo ng uniporme dahil puro kayo UNGAS!

Nuisance candidate sa Parañaque City

Nakatatawa ang isang nag-file ng kanyang candidacy para tumakbong Congressman sa District I ng lungsod ng Parañaque, na may apelyidong CELERIDAD. Tumakbo sa Amerika matapos mag-file at hindi rin nag-withdraw ng kanyang kandidatura bago pumunta sa Tate.

Kung totoong nangampanya, ang makakalaban niya ay si incumbent congressman Eric Olivarez.

Ngunit dahil ‘missing’ na si Celeridad, nangangahulugan na walang kalaban si Cong. Eric.

O hindi ba napakasuwerte naman ng magkapatid na Mayor Edwin at Eric Olivarez!

Tunay na serbisyo kasi ang alay sa Parañaque!

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *