Monday , December 23 2024

Mahal ba talaga ni Asilo ang Maynila!?

Natatawa ang maraming insiders ng Liberal Party sa kandidato kuno sa pagkabise-alkalde na si Atong Asilo.

Una, nang sabihin niyang siya ang chairman ng LP sa Maynila, gayong alam ng lahat sa partido na ang posisyon ay hawak ni LP mayoral bet Fred Lim. Pangalawa, nang sabihin na inilaban daw niya na si Lim ang maging kandidatong mayor ng LP imbes ang nakababatang si Amado Bagatsing, na tila ba utang na loob ni Lim na naging kandidatong mayor ng LP.

Tumindig daw ang balahibo ng oldtimers sa LP dahil sa ‘hangin’ sa ulo ni Asilo. Feeling daw nito, mas tigasin siya sa LP kompara kay Lim, gayong si Mayor lang ang nagbitbit sa kanya (Asilo) sa LP noong tumatakbo itong Congressman.

May mga barkada tayong konsehal sa tiket ng LP at sabi nila, hindi rin daw totoo na hindi kinausap ni Lim si Asilo tungkol sa planong pagtanggap sa suporta ng kampo ng mga Atienza.

Ilang buwan na ang nakalilipas, mahigit isang oras daw na kinausap ni Lim si Asilo sa loob ng kotse, dahil nga hindi umaangat ang kalagayan sa survey at kahit saan sila magtungo, hindi siya kilala.

‘Yung sinasabi ni Lim sa press conference na kakausapin niya si Asilo dahil kulelat nga sa mga survey, pangalawa na kung matutuloy sana. Pero umiiwas nga si Asilo.

Bago pa man tanggapin ni Lim ang suporta ng mga Atienza, bali-balita na ang paghahanap ni Asilo ng konek kay Erap at Amado pero hindi kumibo si Lim, kahit pa may mga naglabasan nang Estrada-Asilo posters sa Tondo. Tototo rin ang lumabas sa balita na noong proclamation rally ng LP sa Quiapo ay nagulat ang mga taga-LP nang parehong dumating na naka-orange na sapatos si Asilo at kapatid na kandidato rin. Kaya daw pala ni minsan ay hindi nadinig na bumatikos sa administrasyon ni Erap?

Nitong huli, nakompirma ang dati nang balitang pakikipag-usap ni Asilo sa kampo ni Bagatsing nang ilagay niya sa kanyang press release na handa raw si Bagatsing na kunin siya (Asilo) kapalit ni Ali Atienza.  Agad-agad? Ibig sabihin, matagal na silang nag-uusap.

Natawa nga raw ang ilang kasamahang nag-cover sa presscon ni Asilo. Sabi kasi, hindi raw totoong kulelat siya sa mga survey dahil may survey siyang hawak na siya ang nangunguna. Kaso, wala namang ibinigay na kopya sa media. Puwede ba ‘yun, kuwento lang?

Sa ganang atin, maliwanag na sina Lim at Atienza ang may pinakamalaking tsansa na manalo sa darating na halalan at sila lang ang susi para mapalitan ang mapaniil na administrasyon ni Erap. Kung talagang mahal ni Asilo ang Maynila, mas maganda siguro kung magbibigay-daan na lang siya para malayang magtambal nang opisyal sina Lim at Atienza kaysa maging balakid pa.

‘Yan ay kung mahal nga niyang talaga ang Maynila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *