HITS and misses! Kung nasa Kia Theater siguro si Ryan Bang nang concert ni Karla Estrada noong Sabado sa kanyang Her Royal Highness The Queen Mother baka isa o dalawang beses na tumunog ang nasabing gong na ginagamit sa Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime.
Dala marahil mg sobrang tensiyon o kaba, may mga pagkakataong nagkakamali ng pasok si Karla sa kanyang kanta. At may isang pagkakataon din na hindi nagtugma ang tono nila ng banda.
But just the same, the concert na hatid ng Cornerstone, Smooves at Aqueous was very successful. Dahil hindi binigo si Karla ng mga tagahanga ng kanyang anak na si Daniel Padilla sampu ng kanyang mga kaibigan in the biz.
Pinanood si Karla ng mga anak at mga ama ng mga ito (minus Naldy Padilla). At sa gitna ng mga pagbibiro niya, naitawid ni Karla ang ilang hugot sa pagiging ina at ang pangarap na inabot niya sa karerang pinasok at ginampanan pa rin hanggang ngayon.
Naaliw sa guests na sina Melai Cantiveros at Vice Ganda ang mga tao. Kahit anong pagkakataon talaga, hindi matatawaran ang husay ng isang Vice Ganda sa pagdadala ng kanyang moment.
Malaki ang pasalamat ni Karla sa kanyang producers. Kung hindi na raw maulit iyon, ang importante eh, nagawa niya ang isang bagay na kasama sa pinangarap niya noong araw. Ang makakanta sa entablado at mabigyang kasiyahan ang mga tao.
Si Adele nga ang naisip ko sa mga close-ups ni Karla. At ang mga pagkakataong nahasa siya sa mga lounge acts at gigs sa bar ang siyang nagpatunay na oo naman, may K naman siyang kumanta.
Huwag nga lang nenerbiyosin at mae-excite ng sobra!
Congrats Queen Mother for surviving a first in your life!
HARDTALK – Pilar Mateo