Tuesday , December 10 2024

Walang basagan ng trip sa social media (Cool lang…)

MABILIS talagang makiuso ang mga Pinoy. Kaya mabilis rin mabiktima o maharuyo ng ‘HYPE.’

Ang mga Pinoy, ‘yung tipong kapag may sampung tao na pumalakpak sa crowd, tiyak susundan nang lahat.

Diyan nagsisimula ‘yung pagkahaling sa isa o ilang tao o personahe lalo na kapag ginamitan ng ‘hype.’

Hanggang akala nila ‘yung pagtingin o pag-iidolo nila sa nasabing personahe o tao ay may katapat na pagmamalasakit — parang nagiging kulto na nga.

Kitang-kita natin ngayon ‘yan sa social media — lalo na ngayong eleksiyon.

Kabi-kabila ang bangayan at patutsadahan ngayon sa social media. Dumarayo pa ng posting sa wall nang may wall kapag nauupakan ang mga idol nila.

Ibang klase talaga.

‘Nakanenerbiyos’ kung magpatutsadahan sa social media parang magsasapakan o magpapaluan ng tubo kapag nag-eyeball!

Bwahahahahaha!

Kahit puwede namang walang basagan ng trip ‘e pinakikialaman pa ‘yung wall nang may wall.

 Hay naku!

Mga suki, isang araw lang po ang eleksiyon, huwag ninyong isakripisyo ang relasyon ninyo sa inyong kaibigan, kapitbahay, kamag-anak lalo na sa inyong pamilya.

Politika lang po ‘yan…

Pagkatapos ng eleksiyon, manalo o matalo ang kandidato ninyo, ganoon lang din ‘yun. Lalo na kung hindi naman magsusulong ng signipikanteng pagbabago sa lipunan.

‘Wag kayong magpakamatay sa mga taong hindi sinsero sa kanilang ginagawa…

Gogoyoin lang kayo niyan.

Gising na!

Mag-ingat sa mga kasambahay ng Marsifor Management Services sa Cubao, Quezon City

Hindi natin alam kung modus operandi na ito, pero nakapagtataka kung bakit nagiging kustombre na ng mga kasambahay na kinukuha sa mga agency ang umalis at pagkatapos ay hindi na bu-mabalik.

‘Yan ay pagkatapos magbayad ng employer sa agency ng tatlong buwan na advance na suweldo. ‘Yung iba nga apat na buwan pa ang kinukuha.

Ang siste, kapag umalis na ‘yung kasambahay, ni hindi mabigyan agad ng kapalit ng Marsifor Management Services.

Ang katuwiran nila, hindi na raw nila alam kung nasaan ang tumakas na kasambahay.

Wattafak?!

‘E bakit pala kayo nagrerekomenda ng mga kasambahay na walang accountability kapag nagkaroon ng aberya?!

Ret. Major Gen. Cesar Fortuno, balita namin ‘e ikaw ang napakahigpit na may-ari ng Marsifor, wala ka bang gagawin para proteksiyonan ang mga kliyente ninyo?!

O talagang style fly-by-night ang operation ninyo?

Ilan na bang employer ang nabiktima ng style ninyo?!

Marami tuloy ang nagdududa na mukhang hinuhuthutan lang ninyo ang mga nangangailangan ng kasambahay pero sa huli ay kayo pa rin ang may malaking pakinabang?!

Aksiyonan ninyo ‘yan, Major Gen. Fortuno!

Thank you & good luck BI AssCom. Gilbert Repizo

MUKHANG nadale nang sobrang tiwala at pagiging in good faith si Immigration Associate Commissioner Gilbert Repizo.

 Last week, pumutok ang balita na nag-resign si AC Repizo, but the truth of the matter ay HINDI SIYA NAG-RESIGN.

Kabilang si AC Repizo noong nakaraang Enero sa mga naghain ng courtesy resignation letter sa DOJ. Si SOJ Caguioa pa noon ang nakaupo sa Justice Department.

‘Yun ay bilang kortesiya sa Palasyo.

Alam na nating lahat na tinigbak si dating Commissioner Fraud ‘este’ Fred Mison dahil sa mga eskandalong kinasangkutan ng kanyang administrasyon.

Pero ang hindi natin alam, biglang tinanggap din pala ang resignation ni AssComm. Repizo nitong nakaraang linggo!

Anyare?! Napolitika ba siya?

Nakapagtataka na sa tagal ng panahon na nakatengga lang ang resignation letter niya sa DOJ ay biglang naendoso sa Palasyo at inaprubahan ni ES Paquito Ochoa?!

How sad…

Si AssComm. Repizo ang nagsilbing adhesive sa mga empleyado at sa administrasyon sa panahon na lumalaki ang reserbasyon ng marami.

As much as possible, ginawa ni AssCom. Repizo ang lahat upang mapanatili ang integridad ng administrasyon.

At hindi naman siya nabigo. Maraming problema sa loob ng Bureau of Immigration ang naresolba sa pamamagitan ng kanyang diplomatic skills.

Isa rin siya sa mga nakatulong upang maipaglaban ang overtime pay ng mga empleyado.

At higit sa lahat, marami rin siyang natulungan para maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa paniniil ni Mison.

In short, ang puso ni AssCom. Repizo ay nanatili sa BI kahit natapos na ang kanyang panunungkulan roon.

May ilang nagsasabi na mukhang nagkamali si GUR sa mga taong pinagkatiwalaan niya.

Anyway, maraming salamat AssCom. Repizo!

 Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod sa BI rank & file employees.

 Thank you & good luck.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *