Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shy, nalilito kung sino kina Mark at AJ ang pipiliin

MAY kasabihang, ”Walang baho ang hindi aalingasaw” in much the same way na walang lihim ang maaaring itago habambuhay.

Sa itinatakbo ngayon ng kuwento ng Tasya Fantasya, parehong baho at lihim ang nabunyag: na isa palang diwata si Tasya Castro at ang utak sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay ina ng kanyang love interest doon.

Mula nga sa pagkatsaka-tsakang chimi-aa ay nag-transform na si Tasya into a beautiful girl, pero natuklasan din niya na mayroon siyang magical power na maaari lang niyang gamitin in doing good to others.

Samantala, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Tasya once malaman niya na hindi aksidente sa car crash ang ikinasawi ng kanyang mga magulang, kundi sinadya ‘yon ng karakter ni Ara Mina roon? Anak ni Mina sa kuwento si Noel played by Mark Neumann na in love na in love kay Tasya.

Caught between two loves Mark and Paeng (AJ Muhlach), ang ending ba’y mas pipiliin ni Tasya ang huli na bukod sa nakasama na niya nang matagal ay isa ring kapwa mahirap pero seryoso ring umibig?

Abangan ang Tasya Fantasya tuwing Sabado pagkatapos ng #Parang Normal Activity sa TV5.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …