DECEMBER last year pa man ay masaya nang ibinalita ng pamunuan ng ABS-CBN—through its Corporate Communication Division—na extended ang FPJ’S Ang Probinsiyano.
Starring Coco Martin, ‘yun ‘yong panahong kinagat ng mga manonood ang pagdi-disguise ni Cardo, slipping into a woman’s clothing para ma-penetrate ang underground world in the performance of his duties bilang isang parak.
That time, pumapalo na ito sa all-time high ratings nito, bagay na ikinagalak ng network, hence its extension.
Magma-Mayo na, consistently ay mataas pa rin ang ratings nito, this an ABS-CBN insider confirmed sabay paliwanag kung bakit.
“Kung napapansin n’yo kasi ang ‘Ang Probinsiyano,’ mga bagong police cases ang tinatalakay sa kuwento, iba-iba. At ikinatutuwa ‘yon ng ating pulisya not because nakahanap sila ng kakampi sa teleserye in promoting their good deeds, kundi zero crime ang Metro Manila sa tuwing umeere na ito.”
Ganern? Parang laban lang ni Manny Pacquiao ang peg?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III