Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai at Jason, tuloy ang demanda (Sa babaeng nag-wish na ma-rape ang kanilang anak)

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT naaawa si Jason Francisco kay Shawie Constantino Enriquez, ang babaeng nag-message umano sa Facebook fanpage account nila ni Melai Cantiveros, itutuloy pa rin nila ang pagdedemanda.

Ani Jason nang makausap namin sa Artists for Mar presscon sa Mesa Restaurant kahapon, nalungkot sila kapwa ni Melai sa mensahe na sana’y ma-rape ang kanilang anak na si Amelia Lucille.

“Naiyak pa nga po si Melai na halos kauuwi lang din niya galing sa taping. Pareho po kaming galing noon sa taping.

“Hindi naman ako na-warfreak. Pero nakapagsalita siya ng masama at nakasakit ng damdamin,” ani Jason.

Sinabi pa ni Jason na hindi lamang ang kanilang anak na si Amelia Lucille ang sinabihan ng masama pati si Melai raw ay sinabihan na pangit.

“Hindi lang yung baby namin ang sinabihan niya ng ganoon..Hindi ko na lang sasabihin ‘yung sinabi niya, ang pangit pakinggan.

“Nilait din niya si Melai. Sabi nga ng asawa ko okey lang naman siya, kasi iba-iba naman tayo ng tingin sa tao. Kaya lang nilait din niya ang hitsura ni Melai siyempre nasaktan ako dahil asawa ko siya.

“Sabi ko na lang na susuportahan ko siya sa kung ano talaga ang gustong gawin ni Melai laban dun sa babae. Para na rin kasi hindi lang sa amin, sa iba na rin na hindi maganda ‘yung ganitong nagbu-bully.

“Baka kasi hindi nila alam na may batas sa ganitong anti-bullying.”

Kaya naman idedemanda pa rin nila si Constantino. ”Sabi ko sa kanya, ‘yun din ang nasa isip ko, itutuloy daw po niya ang demanda.”

Pero sa posibilidad na hindi matuloy ang demanda? ”Well, hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari kasi siguro mag-usap sila in person.

“Hindi naman kami ganoong tao eh. Kaya lang ang gusto ko kasi mas makita ng tao kung gaano kahalaga ang anti-bullying at ‘yung pagsasalita ng ganoong salita.

“Lesson na rin sa iba na hindi madaling sabihin at hindi talaga maganda.”

Sinabi pa ni Jason na madali naman silang kausap ni Melai kaya kung may gagawing maganda ang babaeng nag-bully sa kanila posibleng mapatawad nila ito. ”Kawawa rin yun kasi ‘yung tao, nagkakamali rin.”

Sa kabilang banda, iginiit naman ni Jason na hindi nila pinagsisisihan ang pag-eendoso kay Mar Roxas bilang presidente dahil, ”Mahirap i-explain sa lahat pero bakit naman kami mag-eendoso kung alam naming ikasisira namin.

“Sa totoo lang po, noon pa naman, si Mar Roxas na ang gusto namin. Hindi lang namin ine-expect na ganoon ang mangyayari o impact sa tao.”

At sa usaping malaki ang ibinayad sa kanila para iendoso si Roxas? ”Eh sa totoo lang po, isipin na lang nila ang gusto nilang sabihin. Narito kami sa showbiz parang expect the unexpected. Kahit sabihin namin na hindi kami nagpabayad may masasabi rin sila, ‘pag sinabi naming may bayad, may masasabi rin sila, so bahala na lang sila.

”Sana lang after ng election ay bumalik na ang lahat sa normal at hindi na kami ma-bash,” giit pa ni Jason.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …