Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, isa sa guest of honor sa 3rd anniversary ng PARDSS

00 Alam mo na NoniePATULOY sa pagiging aktibo sa iba’t ibang larangan ang Lady Boss ng BG  Prodcutions International na si Ms. Baby Go. Kamkailan ay isa siya sa naging guest of honor at speaker sa 3rd anniversary ng PARDDS na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame last April 24.

Ang PARDSS na ang ibig sabihin ay Public Assistance for Rescue, Disaster, and Support Services ay pinamumununa ng president nitong si Ms. Pres. Arcie D. Fabon.

Bukod kay Ms. Baby, guset of honor din sa nasabing okasyon si Congressman Ferdinand Martin Romualdez na tumatakbo ngayon bilang senador. Guest of honor dito si Mr. Hitesh P. Patel ng India.

Ayon kay Ms. Baby, two years ago nang nagging member siya ng PARDSS, nagbigay din daw siya ng donasyong isang libong pares ng tsinelas para sa grupong ito.

Sa naturang araw ding iyon, naging isa naman sa judge si Ms. Baby sa Master United Continents Philippines na ginanap sa Tanghalang Pasigueno Pasig City.

Iniusisa rin namin siya sa natanggap na tropeo kamakailan 36th Oporto International Film Festival sa Portugal.

“Siyempre masaya ako. Ang mga movie ng BG Productions kasi ay kinikilala, hindi lang dito sa atin, kundi pati sa abroad. Kaya patuloy kaming gumagawa ng mga makabuluhang pelikula.”

Ano ang sikreto niya ng mga tagumpay na ito? “Unang una, hard working ako. 24/7 ang trabaho ko, walang pahinga. At pangalawa syempre dedicated tayo, mahal ko ang negosyo ko, mahal ko ang trabaho ko, mahal ko lahat, mahal ko ang paggawa ng pelikula,” nakangiting saad pa ni Ms. Baby.

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …