Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC, tried & tested na kahit kanino i-partner — Direk Cathy

00 SHOWBIZ ms mKILALA si Direk Cathy Garcia Molina sa mga pelikulang talagang makare-relate ang manonood. Kaya naman natanong ang magaling na director kung relatable ang istorya ng Just The 3 of Us ng Star Cinema sa mga makakapanood nito sa May 4.

“Relatable po siya at makaka- identify naman ang makakapanood po nito.  Ang hindi lang siguro relatable is hindi ganoon kadalas na may lalapit sa iyo o sa isang lalaki para sabihing ‘buntis ako’. But all other circumstances o pangyayari sa movie, makaka-relate po tayo,” bungad na kuwento ng director sa mini presscon noong Linggo.

Ani Direk Molina, ipinakita sa kanya ang konsepto ng Just The 3 of Us at saka nila ginawan ng script. Hindi pala si direk Molina ang klase ng director na pinaghahandaan ang pagdidirehe ng pelikula. “Hindi po ako ‘yung ganoong klase eh, hindi po ako nagpi-prepare, ang pinaka-preparation ko is research.

“Hindi rin po ako nag-a-outline. Nag-a-outline po ako habang ginagawa. Ang tanging preparation ko po research kasama ko po sina Vanessa  (Valdez, writer) and Carmi (Raymundo, writer), sila ang lagi kong kasama.

“Kapag hindi namin alam ang character ‘pag may bago, nagri-research po kami. Ayoko po kasing may magsasabi sa amin na hindi naman nangyayari ‘yan sa totoong buhay eh. Kasi kaya ko silang balikan na may kakilala ako, galing ‘yan sa kuwento ng mga kaibigan ko.”

At kahit blockbuster director si Direk Molina, hindi pala niya ito iniisip o hindi iyon umaakyat sa kanyang kukote.

“Unang-una hindi ko po ‘yan ina-acknowledge (blockbuster director). Pangalawa, ni hindi ko pinangarap maging director.

“Basta kung ano lang ‘yung ibigay na trabaho, ginagawa ko. Nagsimula po ako bilang script continuity tapos naging assistant director bago po akong nag-direhe,” paliwanag pa ng magaling na director.

Overwhelming naman para kay direk Cathy kapag idinidirehe niya ang magagaling na actor tulad nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

“Siyempre ang totoo overwhelming lagi everytime na kumikita ang pelikula mo more than sa kumita kasi siya. Ibig sabihin, marami ang natuwa, ‘di ba po?

“Kapag gumagawa tayo ng pelikula kahit ano ang intensiyon mo, lagi sana magustuhan ng manonood mo. The fact na kumikita, ibig sabihin nagugustuhan nila, may tama akong ginagawa, ‘yun po.”

Kaya naman nang sabihin sa kanya ng management na gagawa siya ng pelikula at sina Lloydie and Jen ang actor, sinabi niyang, “I said yes right away. Kasi ang fresh lang ng idea at saka taga-ibang bakuran si Jen. Natutuwa lang ako, bihira ‘yun eh.”

Aminado rin si Direk Cahty na wala pang pelikula ni Jen siyang napapanood, pero “Gandang-ganda ako kay Jen. Para siyang Kaye Abad. Hindi nalahian ng Amerikano, German.Pinoy talaga.”

Samantala, natanong naming si Direk Cathy kung may nakita siyang chemistry nina Lloydie at Jen.

“Oo mayroon. Si Lloydie naman tried and tested na naman natin ‘di ba? Hindi siya ‘yung tipong gumagawa ng gimmick para lang magka-appeal sa loveteam eh. Sa kanya friends, friends lang. So ito, parang walang ipinagkaiba si Jennylyn sa kahit kaninong babaeng ipina-partner sa kanya. Pareho lang iyan.”

Natanong din si Direk Cathy kung ano ang masasabi niya na nagkatapat o nagkasabay ang showing ng Just The 3 of Us sa movie nina James Reid at Nadine Lustre na This Time.

“Ganoon po talaga, hindi natin inaasahan, unforeseen circumstances.

“Ako po naniniwalang may dahilan ang bawat bagay at hangga’t ginagawa natin ito sa magandang intensiyon magkakaibigan naman po kami kasi iisang industriya lang, wala naman pong ibig sabihin ang kahit ano na nangyayari.

“Nagkataon lang na mayroon kaming unforeseen things. Hindi naman po sinasadya. Panoorin na lang pareho. Support Philippine movies.

“Maganda naman ang ‘Captain Amerika: Civil War’, hindi ko naman sinabing ‘wag panoorin. Kung may extra budget panoorin lahat. Kapag nakapanood na sila ng Civil War, panoorin din nila iyong dalawang Filipino movies.”

Hiningan din namin ng comment si Direk Cathy ukol sa sentimyento ng director ng This Time  na si Direk Nuel Naval na idinaan sa Twitter.  Ani direk Cathy, “Hindi ko po nakita, wala po kasi akong Twitter. In- avoid ko po kasi patola ako baka may mga basher na kapag hindi ko kayang tanggapin, mapalaban ako. Para umiwas sa gulo, ‘wag na lang.

“Direk Naval and I were good friends, dalaga pa ako kaibigan ko na siya, dalawang dekada na kaming magkaibigan.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …