HINDI man tinukoy pero obvious namang si Mrs. Dantes ang paksa ng isang blind item involving a TV host-actress na hirap na hirap kumuha ng mga artistang guest para sa kanyang morning show sa GMA.
Ang dahilan ng problemang ito ng produksiyon ay ang record noon ni Mrs. Dantes as having gained enemies in showbiz.
Dahil dito, may silent boycott umano ang mga talent manager na nagdeklarang hinding-hindi nila papayagan ang kanilang mga alagang artista na mag-guest sa nasabing programa.
Pilit naming inalala kung sino-sino ang mga nakabanggaan noon ng binansagang Primetime Queen ng GMA (na wala namang umeereng show sa primetime block!).
Nariyan si Bela Padilla (na nasa ABS-CBN na), si Heart Evangelistadamay ang tropa nitong sina Lovi Poe at Solenn Heussaf.
At wala ba kayong napapansin na commonality sa mga aktres na nakaengkuwentro ni Mrs. Dantes? Lahat sila’y mga Inglisera at well-bred.
Oo nga’t may kasabihang “Past is past” para maka-move on na ang lahat, but Mrs. Dantes only deserves to be treated that way.
Umasa bang mayroon siyang aanihin, eh, wala naman siyang ipinunla?!
Bilang Pilipino ng TV5, maghahatid ng 28-hour coverage ng election
AS IN every electoral exercise ay pukpukan ang labanan among the three major TV networks pagdating sa kani-kanilang mga coverage ng makasaysayang kaganapang ito.
Ipinagmamalaki ng TV5 ang kanilang Bilang Pilipino, its version na maghahatid ng blow-by-blow account ng mga detalye ng botohan na nakapaloob sa kanilang 28-hour uninterrupted coverage.
Magsisimula ang kanilang pagbabalita as early as 5:00 a.m. (so, 2:00 ng madaling araw naman ang ABS-CBN, at 7:00 a.m. na ang GMA?) hanggang magbukas ang mga voting precinct sa buong bansa all the way sa paunang bilangan.
Gagamitin ng Kapatid Network ang buong puwersa ng kanilang news and current affairs department sa pangunguna siyempre ni Ms. Luchie Cruz-Valdez para ihatid ang mahahalagang election updates.
At para naman sa parte ng sambayanang tiyak na mag-aabang sa iuulat ng TV5, hahawakan nila ang pangako ng estasyon na walang makaliligtas na balitang halalan which the public deserves to know.
Siyempre, sa bandang huli nama’y hangad nating lahat ang isang parehas, malinis, at mapayapang botohan na inaasahang magbubunga ng mga bagong lider who will shape the future of this nation.
Ganern!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III